Friday , September 30 2022
Gari Escobar Nora Aunor

Gari Escobar, nagiging malaya sa pamamagitan ng musika

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
BUKOD sa pagiging kilalang tunay na Noranian at iniidolo nang husto ang Superstar na si Ms. Nora Aunor, kilala si Gari Escobar na isang fan at supporter ng OPM o ng Original Pilipino Music.

“Dapat po, sa ating mga Filipino magsimula ang pagmamahal sa ating kultura, sa ating sining, at sa ating mga awitin. Kaya salamat po sa mga nagmamahal at sumusuporta sa OPM. Although marami rin akong favorites na foreign artists, the challenge is to help bring OPM to the world. Kaya ang songs ko po na inire-release ay 100 percent OPM,” paliwanag ni Gari.

Marami siyang hinahangaang local at foreign artists tulad nina Rico J. Puno at Michael Jackson mula pa noong hindi pa siya kumakanta professionally. Sina Eric Clapton, Paul McCartney, at John Lennon ay kabilang naman sa nagsisilbing inspirasyon ni Gari sa paglikha ng musika.

Aminado si Gari na umiikot sa musika ang buhay niya. “Paggising ko po, after ko mag-pray ay music na agad. Para po siyang eyeglasses ng isang malabo ang mga mata. Very important po sa akin ang music, dahil para itong kaibigan na laging nandiyan, ano man ang nararanasan mo, hindi ka huhusgahan… pareho kayo ng nararamdaman,” sambit ng singer/songwriter.

Ayon pa kay Gari, iba ang pakiramdam kapag siya’y kumakanta. “Kapag kumakanta ako, ibinabalik ako ng kinakanta ko sa mga moments at mga lugar na nagkaroon ng connection sa akin ang kantang inaawit ko. ‘Pag nagko-compose ako ng kanta, ang saya ng pakiramdam ko kasi parang nailalabas ko ang nararamdaman ko. Parang nabubunutan ako ng tinik, parang lumalaya ako,” saad pa niya.

Samantala, super-ligaya at thankful ni Gari sa dalawang nominasyon na nakuha niya sa 12th Star Awards for Music ng PMPC. Nominado siya sa Novelty Song Of The Year at Novelty Artist Of The Year para sa Hanggang Andito Pa na mula sa Ivory Music and Video Inc.

Ito ang second time na na-nominate si Gari sa Star Awards for Music. Una ay noong 2019 bilang Best New Male Recording Artist of the Year, na napanalunan niya. Sa Aliw Awards naman, kinilala ang kakayahan ni Gari sa larangan ng musika nang siya’y parangalan bilang Breakthrough Artist of the Year noong December 2020. Na-nominate rin siya rito bilang Best Pop Artist.

“Second time kong ma-nominate sa PMPC Star Awards and this time, sa dalawang category, as an artist and sa song yung isa. Hindi ko ito ine-expect kaya ang saya ko talaga, siguro lalo na kapag nanalo pa, baka mapalundag ako. Hahaha!”

Dagdag pa ni Gari, “Kaya excited talaga ako, lalo akong gaganahan sa pagkanta at paglikha ng mga musika. Iba kasi yung first time at parang mas sobrang exciting ang pangalawa dahil validation ito sa nauna mong panalo, di ba?”

About Nonie Nicasio

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply