Thursday , June 4 2026

GF ni Jerome na si Sachzna nakabili na ng bahay

MA at PA
ni Rommel Placente

KAHIT 23 years old pa lang ang GF ni Jerome Ponce na si Sachzna Laparan, nakabibilib na marami na itong pera. Kabibili lamang nito ng bahay at wala pang isang taon ay CEO na ng sarili niyang skin care company.

Bukod pa sa laki ng kita nito sa pagba-vlog, daig pa ang ibang artista na may more than 2 million subscribers na. Sa guesting ng aktres at social media influencer sa aming programa sa FYE Channel sa Kumu ay sinabi niyang hindi siya pinakikialaman ni Jerome pagdating sa pera.

“Nagbibigay lang siya ng advice. Pero lagi niyang sinasabi sa huli ako pa rin ‘yung magdedesisyon.”

Aminado rin si Sachzna, na pagdating sa pera ay mas masinop si Jerome kaysa kanya. Pinapangaralan pa nga siya nito at napapagalitan kapag sumusobra ang pagsa-shopping na hindi naman dapat.”

Bilang paghahanda rin sa kanilang future, balak nilang mag-venture sa negosyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …