Saturday , May 18 2024

Arjo ‘di tatapatan ni Aiko

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


I
NAMIN na ni Aiko Melendez na babalik siya politika sa 2022 at congress ang plano niya bilang representante ng District 5 ng Quezon City dahil doon siya nakatira at kasalukuyang nagpapagawa ng bahay.

Sa kasalukuyan, maraming kumakausap sa kanya para sa partido pero ni isa ay wala pa silang binibigyan ng sagot ng boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun na tumatayong campaign manager niya.

“’Yung mga taong kumakausap sa akin mula sa Quezon City si Vice Gov ang kinakausap more than me. Mga politiko rin from Quezon City, mga LGU, ‘di ba supposedly naman talaga last election I was supposed to run kaya lang I had to stay with Vice Gov and since naman ngayon he has to be with me when I run.

“So, napag-usapan namin na since maraming taong nagkukumbinse sa akin to run and kahit naman noong wala pang pandemic I’m always behind the scene sa pagse-serbisyo sa bayan. It was always been my first love kaya ikino-consider ko talaga ang public servant,”  kuwento ni Aiko sa ginanap na virtual mediacon kahapon ng tanghali kasama ang love of her life na si VG Jay.

Hindi na bago kay Aiko ang District 5 dahil nagsilbi siya ng siyam na taon bilang konsehal, ” kabisado ko po kaya mas nadagdagan po ang confidence ko na magserbisyo po ulit sa Distrito 5 dahil hindi pa rin ako nakalilimutan ng mga ka-distrito ko.”

Natanong ang aktres na makakalaban niya ang kapatid ng aktor na kasalukuyang nakaupo ngayon sa District 5 pero hindi kalaban ang tingin niya sa magkapatid.

“Sina Alfred and PM (Vargas)? Sa bawat kumakandidato naman ay may karapatang tumakbo at magserbisyo. May kanya-kanya silang paraan. I don’t see them as kalaban. Mai-inspire ako na galingan ko ang pagse-serbisyo ko sa tao.

“Hindi naman ako tatakbo para kalabanin sila, tatakbo dahil gusto kong magserbisyo kaya kahit na sino ang kalaban ko handa kong harapin,”  paliwanag ni Aiko.

At naklaro rin na hindi makakalaban ni Aiko ang aktor na si Arjo Atayde na nagpaplano ring kumandidato bilang congressman dahil sa District 1 siya.

 

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *