Friday , January 28 2022
John Kenneth Giducos Khaine Dela Cruz
John Kenneth Giducos Khaine Dela Cruz

Magkapatid na nawalay sa ina tampok sa MPK

NGAYONG Sabado (May 29) sa Magpakailanman, balikan ang natatanging kuwento ng magkakapatid na nawalay sa kanilang ina at natutong lumaban sa murang edad.

Lingid sa kaalaman ng ina ni Alexis (John Kenneth Giducos) na sinasaktan ito ng kanyang stepfather habang nakikipagsapalaran siya sa Maynila. Sa murang edad ay naiwan kay Alexis ang responsibilidad na alagaan ang kanyang mga nakakabatang kapatid—si Aljur (Seth Dela Cruz) at AJ (Khaine Dela Cruz) na may Cerebral Palsy.

Nang mas naging bayolente ang kanyang stepfather ay lumayas siya kasama ang kapatid na si AJ at naiwan si Aljur sa kanyang ama. Dumidiskarte si Alexis kung paano mapapakain at mabubuhay ang kanyang maysakit na kapatid.

Para ‘di lumiban sa klase, buhat-buhat ni Alexis si AJ patungong eskuwelahan na siyang kinunan naman ng litrato ng kanyang guro. Nag-viral ang litrato sa social media at hinangaan si Alexis sa kanyang kasipagan at pagmamahal sa kanyang kapatid na may kapansanan.

Tunghayan ang nakaaantig na kuwento ng Kuya na, Nanay Pa: The Alexis Peralta Story sa Sabado, 8:00 p.m., sa Magpakailanman.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Mike Defensor

City of Stars itutuloy ni Defensor (‘pag nahalalna mayor ng QC)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ITUTULOY ni Cong. Mike Defensor ang matagal ng plano ng namayapang Master …

Gerald Anderson Bea Alonzo

Bea at Gerald pwedeng magsama dahil sa kape

I-FLEXni Jun Nardo ABA, pareho palang endorser ng isang brand ng kape ang ex-lovers na …

Romano Vasquez

Burol ni Romano punumpuno ng bulaklak

HATAWANni Ed de Leon ANG latest, hanggang Biyernes pa raw ng gabi ang burol ng …

Blind Item, Singer Dancer

Poging singer bumigay na

CUTE naman siya talaga noong araw, kaya siya sumikat. Nang i-build up siya bilang singer, …

Mike Defensor Miguel Defensor

Defensor tanggap ang paglaladlad ng anak na si Miguel

HINDI itinago ni  Cong. Mike Defensor na may anak siyang miyembro ng LGBT, si Miguel. Ang pagkakabanggit …

Leave a Reply