Wednesday , October 27 2021
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Kaisa-isang beerhouse na bukas sa Caloocan City, inirereklamo

MABIGAT na inirereklamo ng mga residente ang isang beerhouse sa Caloocan city na anila’y nag-o-operate nang solo hindi lang sa nasabing siyudad kundi sa National Capital Region (NCR) pa raw siguro.
 
Ang sinasabing beerhouse ay matatagpuan daw sa 5th Avenue papuntang La Loma cemetery at halos tatlong bloke lang ang layo sa Rizal Avenue. Alas sais pa lang daw ng gabi ay bukas na ito hanggang madaling-araw na.
 
Dahil sila lang ang bukas, dinarayo raw ito ng sandamakmak na parokyano mula pa sa iba’t ibang dako ng Caloocan at karatig pook.
 
Puno rin daw ng mga babae ang naturang beerhouse na mistulang isang poultry ng manok. Sa sobrang dami raw ay halos magkapalit-palit na sila ng mga mukha.
 
Wala rin daw nasusunod na health protocols sa loob ng beerhouse mula sa pagsusuot ng facemask hanggang sa social distancing dahil halos nagkakandungan na raw ang mga babae at ang kanilang mga customer.
 
Bukod sa ingay na dulot nito, madalas din daw ang away at bangayan sa loob at maging hanggang sa labas nitong beerhouse na ito kung kaya’t ito raw ay mabigat nilang kinokondena.
 
Maski na walang pangalan ang naturang beerhouse ay madali naman itong makikita at mapapansin dahil sa rami ng mga babaeng nakatambay sa labasan at bukana nito.
 
Wala raw pandemic o maski na anong status ng quarantine ang sinusunod ng management nito. Kung tutuusin daw ay noong isang taon pa ito nag-o-operate na para bang walang kinatatakutang virus, don’t worry, be happy daw…
 
Ayon sa mga nagrereklamo, parang untouchable daw ang mga taong nasa likuran nito dahil ni minsan daw ay hindi naipasara ito sa kabila ng dami ng residenteng nagrereklamo at apektado nito.
 
Untouchable naman daw talaga ang management ayon sa mga nagrereklamo dahil ang may-ari raw nito ay isang Major ng pulis na super-duper daw ang lakas sa buong Caloocan.
 
Bagama’t bihira lang daw lumutang sa beerhouse, ang asawa raw nitong si Major ang nangangasiwa at namamahala ng lahat, mabigat anila ang pagkaka-endoso.
 
Malakas din kaya kay Mayor Oca Malapitan ang opisyal kung kaya’t nakokonsinti nang ganon-ganon lang mula sa barangay hanggang sa pulisya?
 
He he he…
 
Wala rin itong ipinagkaiba sa Gubat sa Ciudad Resort, huli na nang mabukong nag-o-operate sa ganitong status ng quarantine.
 
Too late the hero, sana’y maimbestigahan ito hangga’t maaga pa kaysa mahuli ang lahat. Sayang kasi ang effort na ginagawa ng ating gobyerno sa pag-sugpo ng virus na CoVid-19, ‘di po ba?
 
MGA BAYARANG BABAE, NAGKALAT MULA
1ST AVENUE HANGGANG MONUMENTO
 
Nagkalat ang mga babaeng bayaran mula 1st Avenue hanggang Monumento sa Caloocan city.
 
Minsan ay nakatayo at kung minsan ay nakaupo sa kanto. Waiting lang upang ma-pick-up ng kanilang kliyente, at sa malapit na hotel ‘nagkakatalo.’
 
Ang sabi sa mga bugaw muna ng mga babae ibinibigay ng mga customer ang pera bago may mamagitang sensual o sex sa isa’t isa. Quickie lang daw ang transaksiyon.
 
Ganito lagi ang makikita sa sa Caloocan city mula 1st Avenue hanggang Monumento. Money down before panty down.
 
Kung sa bagay, diskarte lang ito sa hirap ng pera lalo sa panahon ng pandemya, panawid-gutom ‘ika nga.
 
Ngunit ano pa man ang sabihin natin ay ingat-ingat at dapt ginagalingan ang bawat galaw at hakbang.
YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

‘No jab, no work, no pay’

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA LOOB ng mahigit isang linggo, nalito tayo sa …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Lockdown Christmas, posibleng mangyari

AKSYON AGADni Almar Danguilan POSIBLE nga ba ang lockdown Christmas celebration? Teka, ilang araw na …

Hindi pagtakbo ni Grace sa 2022

SIPATni Mat Vicencio BUWAN pa lamang ng Hunyo, nagdeklara na si Senator Grace Poe na …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Kultaban sa Bulacan, black sand ng Bagac

PROMDIni Fernan Angeles KUNG mayroong isang sakit na mas mabagsik kaysa virus na gawa ng …

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

Taas-singil ng pasahe ng TODA sa SAV 1 P’que

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata LINTIK din ang diskarte ng TODA sa San Antonio …

Leave a Reply