Thursday , June 4 2026

Thea sunod-sunod ang trabaho sa GMA

ISA si Thea Tolentino sa
mga artistang mapapalad dahil
kahit may pandemya, hindi siya nawawalan ng trabaho.

Nitong Marso natapos ang The Lost Recipe nila nina Mikee QuintosKelvin Miranda, at Paul Salas at heto kasali na naman siya sa upcoming series ng GMA na Las Hermanas.

At habang ang ibang artista ay ayaw lumabas para mag-taping o shooting, si Thea ay walang takot sumalang sa mga lock in taping.

Paano siya nakumbinsi na magtrabaho sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19?

“I’m really grateful na since simula ng career ko sa showbiz, sunod-sunod ‘yung projects ko, so nasanay ako na may nilalabasan ako ng craft ko, nae-express ko ‘yung sarili ko. 

“Noong nagkaroon ng pandemic, ang hirap na ikaw lahat gagawa, may mga audition through Zoom, ang hirap. 

“Noong ibinigay sa akin ‘yung ‘The Lost Recipe,’ sobrang excited ako kasi kakaiba ‘yung story plus ang tagal kong hindi nagtrabaho for TV and doing something that you love really helps kahit may pandemic,” pahayag ng Kapuso actress.

Isa lang ang nasa isip palagi ni Thea pagdating sa pagtatrabaho. ”Mag-iingat ako, pero gagawin ko.”

May payo si Thea para sa mga millennial na kagaya niya ngayong panahon ng pandemya.

“Don’t be too hard on yourself. 

“Okay lang kung nafi-feel mo na lost ka kasi lahat naman pinagdaraanan ‘yun ngayon. 

“Better days are coming, dala lang talaga ito ng pandemic dahil masyado tayong nakukulong sa bahay and siguro ‘yung extrovert side of us wants to do activities na mas malaki sa mga nagagawa natin ngayon sa bahay lang. 

“Focus lang sa present muna, bawasan muna natin as much as possible ang mag-overthink, huwag tayong masyadong mag-concentrate sa negative energy,” sinabi pa ni Thea.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …