Thursday , June 4 2026

2 big time tulak tiklo sa anti-narcotics ops ng PRO3

ARESTADO ang dalawang pinaniniwalaang big time na mga tulak ng shabu, kabilang ang isang high value individual (HVI) sa ikinasang anti-narcotics operations ng PNP-PRO3 nitong Miyerkoles, 20 Abril, sa Brgy. Cabalantian, sa bayan ng Bacolor, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon ng mga suspek, ayon sa ulat ni P/Col. Arnold Thomas Ibay, provincial director ng Pampanga PPO, na sina Patrick Basa, kabilang sa listahan ng mga high value individual (HVI), 28 anyos; at Cedric Enriquez, 42 anyos, kapwa mga binata, parehong residente sa St. Jude Village, lungsod ng San Fernando, sa nabanggit na lalawigan, na nadakip ng mga kagawad ng PDEU/PIU Pampanga, RIU3 at Bacolor municipal police station SDEU.

Nakompiska mula sa mga suspek ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 55 gramo at nagka­kahalaga ng P374,000, 2 mobile phone, isang Haima sedan na puti, may plakang TKI 223, isang Suzuki Vitara silver, may plakang XTH 281, at marked money na ginamit sa operasyon.

Sasampahan ng kasong paglabag sa mga probisyon ng Section 5, may kaugnayan sa Section 26 at Section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nakakulong na suspek.

“With the continuous arrest and neutralization of drug peddlers, the proliferation of illegal drugs and destructions of many lives are prevented,” pahayag ni P/BGen. De Leon. (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …