Thursday , September 19 2024

Tulong at suporta ng USAID at DOH pinasalamatan

TAOS-PUSONG pina­salamatan ng pamaha­laang lungsod ng Caloocan ang United States Agency For International Development (USAID) at Department of Health (DOH) para sa tulong at suporta na natatanggap ng lungsod kaugnay ng patuloy na laban sa pandemya.

Sa programang isi­naga­wa sa Buena Park, Caloocan, inianunsiyo ng USAID sa pangunguna ni Chargé d’Affaires John C. Law kasama si USAID Philippines Mission Director Lawrence Hardy II ang $3.5 milyong vaccine technical assistance ng ahensiya para sa DOH na pina­ngungunahan ni Secreatry Francisco Duque.

Ayon kay City Administrator Engr. Oliver Hernandez, kumatawan kay Mayor Oca Malapitan, malaki ang naitulong ng USAID sa pamamagitan ng programa nitong ReachHealth Project.

Kabilang dito ang donasyong 59 hand hygiene stations, supor­ta sa CoVid-19 data manage­ment system at communication campaign, at maging sa karagdagang health professional volunteers.

“The City Government of Caloocan is very thankful to the USAID. Since the onset of the pandemic, the USAID has been assisting the city in so many ways. We are looking forward to a more strengthened collaboration and partnership with the USAID and DOH, as we work together to win against this pandemic,” ayon kay Hernandez.

Pagkatapos ng maikling programa, nagsagawa ng inspection sa vaccination site ang mga kinatawan ng USAID at DOH kasama sina City Health Officer Dra. Evelyn Cuevas at Caloocan Vaccination Task Force Action Officer Dra. Rachel Basa.

Pinangunahan din ni DOH Sec. Duque ang pagbabakuna sa isang senior citizen.

(JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Bong Revilla Lani Mercado Tondo Fire

Walang politika sa pagtulong sa mga kababayan nating nasunugan —  Revilla

NANAWAGAN si Senador Ramon Revilla, Jr., kasama ang kanyang kabiyak na si Congresswoman Lani Mercado …

Kyline Alcantara Kate Valdez

Bardagulan sa panghapong show ng GMA patok

RATED Rni Rommel Gonzales NAGSIMULANG magningning ang mga hapon ng Kapuso viewer nitong Lunes (September …

Sylvia Sanchez Rita Atayde Zanjoe Marudo Art Atayde

Sylvia araw-araw tsine-tsek si Ria

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KABUWANAN na ni Rita Atayde kaya naman si Sylvia Sanchez, …

From Marikina to Ilocos Norte’s first leather success with DOST 1

From Marikina to Ilocos Norte’s first leather success with DOST 1

IN the culturally vibrant province of Ilocos Norte, a remarkable story of entrepreneurial achievement has …

SM 100 days FEAT

SM Supermalls kicks off 100 Days of Christmas as a Santa to their Community

SM Supermalls is ringing in the holiday spirit with its 100 Days of Joy countdown, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *