Thursday , June 4 2026

True love matatagpuan online, sa web series na Quaranflingz

IPAKIKITA ng upcoming web series na QuaranFlingz ang mga kapana-panabik na istorya tungkol sa iba’t ibang uri ng relasyon na nabuo tapos magkakilanlan sa online world, na hango sa tunay na pangyayari ng mga kabataan ngayong CoVid-19 pandemic.

Kahit na napalayo ng lockdown ang bawat isa sa atin ay nakahanap naman tayo ng paraan para maging konektado pa rin sa mga kapamilya at kaibigan at ito’y sa pamamagitan ng teknolohiya. Dahil sa mga website at livestreaming apps na puwedeng gamitin, ‘di naging imposible ang paghahanap ng pag-ibig sa digital space, maski sa mga taong naghahanap ng kanilang special someone.

“Isa sa mga ikinaganda ng pag-develop ng romance online ay nagkakaroon ka ng pagkakataon na makilala ang ibang tao lalo na ngayong quarantine na dapat ay nasa bahay lang at bawal lumabas,” paliwanag ng direktor ng QuaranFlingz na si Jeoff Monzon ukol sa paano magiging matagumpay ang online dating.

“Plus, mas madaling magpahayag ng nararamdaman sa online kaysa personal kaya naman nagiging meaningful ang online conversations,” aniya pa.

Tinalakay sa youth-oriented na serye ang iba’t ibang themes of adolescence kasama na ang friendship, trust, connection, love, fears, heartbreaks, at ang kahalagahan ng komunikasyon.

Saad ni Jeoff, isa rin sa bida sa serye, “Inspirasyon namin dito ang mga tunay na pang­yayaring naganap sa mga grupo ng estranghero na naging virtual friends sa tunay na buhay nang magkakilala sa mga livestreaming apps during quarantine.”

Pahabol niya, “Dinagdagan ko ito ng fiction para mas mapaganda.”

Bukod kay Jeoff, tampok dito sina Ammy Gecana, Nico Harvey, Gem Salgado, Derrick Pua, Gerlaine Silva, Danielle Panganiban, Aaron Maniego, Shy Cortal, at Justin Lim.

Mapapanood ang QuaranFlingz simula sa April 23, 8:00 pm, at every Friday sa YouTube Channel ng JM Productions at sa RAD app.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …