lotlot de leon nora aunor

Lotlot namana ang galing ni Nora sa pag-arte

MARAMI ang humanga sa ipinakitang acting ni Lotlot de Leon sa dramang isinadula ukol sa isang kawawang OFW na pinarusahan ng mag-asawang Jordanian.

Sobrang kawawa ang hitsura ni Lotlot at tila dinibdib ang pag-arte.

Maihahalintulad siya sa kanyang inang si Nora Aunor sa pag-arte. Kaya nga nasabi ng iba na namana ni Lotlot ang galing ni Nora sa pag-arte.

Nailarawang mabuti ni Lotlot ang isang OFW na minamaltrato. Nariyang buhu­san ng mainit na tubig.

Hindi rin nagpahuli sa acting si Teresa Loyzaga na mistulang sinaniban ng demonyo sa sobrang pagmamalupit kay Lotlot.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales