Thursday , June 25 2026

JC at Janine, may kakaibang pakilig sa Dito at Doon

KAKAIBANG pakilig ang mapanonood kina Janine Gutierrez at JC Santos sa pelikulang Dito at Doon. Marami ang nag-enjoy sa pelikula, base sa feedback ng mga naka­panood na.

Hinggil sa pandemic at lockdown na nagsimula last year ang tema ng pelikula, mula sa pamamahala ni Direk JP Habac. Tampok din dito sina Yesh Burce, Victor Anastacio, Lotlot de Leon, at iba pa.

Gumanap dito si JC bilang si Carlo Cabahug, ang breadwinner ng kanyang pamilyang nasa Cebu mula nang inabandona ng kanyang tatay. Siya ay nagtatrabaho bilang delivery rider. Si Janine naman si Len Esguerra, isang headstrong Political Science graduating student na no-boyfriend-since-birth.

Nang nagkrus ang landas nila via online sa pagsisimula ng ECQ last year, sila ay naging frenemy at eventually ay nagkalapit sa pamamagitan ng virtual communication at dito’y may nabuong kakaibang koneksiyon sa kanilang dalawa.

Ano’ng klaseng katrabaho ang isa’t isa?

Lahad ni Janine, “Sobrang okay po si JC, ‘tsaka nga lang po ako kumalma nang dumating na siya sa set, e. Sobrang okay po talaga siyang katrabaho, ang dami ko din talagang natutu­nan sa kaniya.”

Saad naman ni JC, “Pinaka­masarap siyang katrabaho, especially because she’s super generous at super open, at wala siyang wall kaagad. Super approachable, so kahit anong ibigay kong acting choices sa kanya, naibabalik sa akin kaagad at naibabalik sa akin nang mas maganda pa, na hindi ko ini-expect.

“So nagugulat ako every time, so ang ganda dahil paulit-ulit din namin siyang ginagawa… she managed to make it fresh every time. So, nag-enjoy po ako the whole time, sana maulit nang maulit pa.”

Hatid ito ng TBA Studios, in association with WASD Films. Ang Dito at Doon ang unang pagkakataon na ang isang local na pelikula ay magka­karoon ng simultaneous streaming sa limang major online platforms na kinabibilangan ng KTX, Cinema76@Home, Iwant TFC, Upstream, at Ticket2me.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …