Sunday , October 24 2021

Curfew violators marami sa Maynila

NAGTALA ng pinaka­maraming pasaway sa unang arangkada ng ipinatupad na Uniform Impelentation of Curfew Hours (UICH) ang nadakip sa Maynila.

Ayon kay NCRPO RD P/MGen. Vicente Danao, Jr., sa ginawang assessment ng NCRPO sa unang arangkada ng UICH sa Metro Manila ay umabot sa 1,236 curfew violators ang nahuli.

Nabatid sa ipinadalang report kay Manila Police District director P/BGen. Leo Francisco ng National Capital Region Police (NCRPO), nabanggit na umabot sa 1,139 ang naaresto sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Danao, kanyang inatasan ang 8,341 pulis NCRPO bilang karagdagang deployment para magbantay laban sa curfew violators.

Nabatid na 547 curfew violators ang isasalang sa community service kung mabibigong makapag­bayad ng multa.

Ilang presinto sa Maynila ang pinag-exercise ang mga naaresto at dinala sa holding area saka binigyan ng kaukulang kaalaman sa paglaban sa CoVid-19, bilang warning sa unang araw ng UICH.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

102221 Hataw Frontpage

Bato kabado sa ICC probe vs drug war killings sa PH

ni ROSE NOVENARIO IBINISTO ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabado si dating PNP chief, Sen. …

Blind Item, Woman, man, gay

BF ni sikat na aktres boylet din ni batang matinee idol

ANO kaya ang sasabihin ng magaling at sikat na aktres kung makakarating sa kanya ang tsismis …

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente ITINANGHAL na Best Supporting Actress si Aiko Melendez para sa mahusay niyang …

‘Party drugs’ distributor sa Bulacan, atbp., timbog sa Marikina

NAKOMPISKA ang may 103 piraso ng ‘ ecstasy ’ na tinatayang nagkakahalaga ng P185,400 mula …

Chest X-Ray

Mga empleyado ng Kapitolyo, PDLs sa Tanglaw sumailalim sa libreng TB screening, chest x-ray

SA LAYUNING mahanap ang mga may aktibong Tuberculosis (TB), maipalaganap ang kaalaman, at mabawasan ang …

Leave a Reply