Thursday , June 25 2026

Sheryl tagumpay sa pagiging cougar

MAPANGAHAS si Sheryl Cruz sa serye nila sa  GMA na Magkaagaw.

“If I’m going to do something might as well be recognized for it or kahit  paano man lang, mag-level up man lang ‘yung ginawa ko.”

Taong 2017 huling napanood si Sheryl sa isang madramang serye, ang Impostora. At sa Magkaagaw ay unang beses na napanood si Sheryl sa isang mapangahas na papel, bilang isang cougar na may karelasyong mas batang lalaki, si Jeric Gonzales.

Bilang sina Veron at Jio ay may mga daring lovescenes sina Sheryl at Jeric. Isa rin ito sa ikinatakot ni Sheryl noong umpisa.

“’Yung intimate scenes, but then come to think of it, huwag na tayong magpaka-ipokrita, tayong lahat, ‘di ba?

“It’s part of human nature to be sensual, to be sexual.

”And at my age, come on now, ‘di ba? There are people who do it, outside of work, not even for work, ‘di ba? Willingly!

“Aggressively and passionately!”

At uso naman ngayon ang May-December affair sa TV at pelikula at nangyayari naman talaga ito sa tunay na buhay.

“Hindi dahil siguro sa uso, kundi kahit paano it’s an acting challenge and at the same time, Magkaagaw, ‘di ba? 

“Kumbaga it’s a first time for me to portray a role outside of my comfort zone.

“Kaya nga ‘di ba sinasabi ko sa inyo na it’s a challenge na I have to take and try to show people by doing it or expressing it sa viewers natin na nagawa ko with flying colors,” sinabi pa ni Sheryl.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …