Friday , October 22 2021

SABONG, SAPAC o SAGO?

SA OKTUBRE 1 hanggang 8, magsisimula na ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa lahat ng mga tatakbong kandidato sa darating na pambansa at lokal na eleksiyon na nakatakda sa 9 May 2022.

Ang mainit na pinag-uusapan ngayon ay kung matutuloy ba ang kandidatura ni Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte at kung sino ang kanyang kukuning ka-tandem bilang bise presidente.

Sa kabila ng urong-sulong na diskarte ni Sara kung tatakbo bilang pangulo, higit na inaabangan ay kung sino kina dating Senador Bongbong Marcos, Senator Manny Pacquiao, at Senator Bong Go ang pipiliin ng presidential daughter.

Kanya-kanyang gimik ang mga political handler ng tatlong nag-aambisyong maging bise presidente ni Sara, kaya kaagad namang pumutok sa mainstream at social media ang mga salitang SABONG o Sara-Bongbong, SAPAC o Sara-Pacquaio at SAGO o Sara-Go.

Marami ang nagsasabing malamang na si Bongbong ang piliin ni Sara, pero hindi naman pahuhuli si Manny at lalo na si Go na talaga namang matagal nang kakilala ng pamilyang Duterte.

Kung si Bongbong kasi ang magiging kandidatong bise, nakatitiyak na si Sara ng ‘solid north’ vote, samantalang si Manny naman, nakatitiyak si Sara ng masang boto dahil sa popularidad nito bilang boksingero.

Si Go naman, bagamat walang maipagmamalaking balon ng boto, nakasalig naman sa suporta ni Tatay Digong dahil sa matagal na paninilbihan bilang matapat na “mayordomo” ng pangulo.

Kaya nga, malamang si Go ang maging katambal ni Sara sa darating na 2022 presidential elections. Hindi mapahihindian ni Sara ang magiging kahilingan ng kanyang ama na kunin si Go bilang kandidatong vice president.

At kung sakaling matuloy ang tambalang SAGO, nasa desisyon naman nina Bongbong at Manny kung magagawa nilang banggain si Sara at tumakbo na rin sa pagkapangulo. Labo-labo ang mangyayari sa darating na eleksiyon dahil parehong kaalyado ni Tatay Digong sina Bongbong at Manny.

Kung tutuusin, mahinang klaseng kandidato si Go kung ikukumpara kina Bongbong at Manny. Pero malakas kay Tatay Digong si Go at malamang na siya ang kuning vice presidential candidate ni Sara.

Kayo, ano ang gusto n’yo: SABONG, SAPAC, SAGO o SAMAY na lang… Sara-Amay Bisaya sa 2022!

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Bulabugin ni Jerry Yap

Presyo ng langis sumirit energy secretary Al Cusi, anyare?

BULABUGINni Jerry Yap HINDI lang pala kalihim ng enerhiya at political party executive si Secretary …

Balaraw ni Ba Ipe

Dalawang kriminal

BALARAWni Ba Ipe HAYAAN na magbalik tanaw sa kasaysayan. Hayaan na talakayin ang kuwento ng …

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

Idalangin natin ang kaharian ng Diyos dito sa lupa

USAPING BAYANni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. NAKALULUNGKOT na ang ating lipunang ginagalawan ay …

Bulabugin ni Jerry Yap

SENATORIAL SLATE NG BAWAT PARTIDO ‘NAMUMUTIKTIK’ NA POLITICAL BUTTERFLY

BULABUGINni Jerry Yap MUKHANG walang buong line-up ang bawat partido politikal na sasabak sa eleksiyon …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Balik-negosyo na

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKAMIT na sa wakas ng sektor ng negosyo ang …

Leave a Reply