MARAMI ang bumilib sa virtual set ng world-class singing competition for kids ng GMA Network, ang Centerstage.
Noong Lunes, first time napanood sa Philippine TV ang paggamit ng makabagong teknolohiya ng programa. Alinsunod sa safety protocols na patuloy na ipinatupad ng gobyerno, hindi na kinailangang magtungo ng young contestants sa actual studio para mag-perform. Sa kani-kanilang bahay na lang sila pinuntahan ng staff ng show at doon kinunan.
Inulan ng positive reviews online ang pagbabagong ito.
Sey ng isang netizen, ”High tech at World-class ang Virtual Set-up ng @GMACenterstage Panalo!!!”
Dagdag pa ng iba, hanga sila sa GMA Network dahil talagang ginawan nila ng paraan na maipagpatuloy ang mga journey ng aspiring Bida Kids.
“GMA could’ve just cancelled the show w/c is so convenient to do. Pero push pa rin sila for the kids. Kahit na it required investing on new technology. Good job @GMACenterstage”
COOL JOE!
ni Joe Barrameda