Thursday , June 4 2026

Chef RJ nangangalap ng locally produced ingredients

APRUBADO at panalo sa panlasa ng viewers ang pilot episode ng pinakabagong cooking show ng GTV, ang Farm To Table na pinangungunahan ng Kapuso chef na si Chef JR Royol.

Maganda, unique, at fresh ang konsepto na hatid ng Farm To Table na ang resident food explorer na si Chef JR ay bumibisita sa iba’t ibang farm sa bansa upang mangalap ng locally-produced ingredients at magluto ng mga putahe na naaayon sa paraan ng mga lokal.

Ikinatuwa at talagang sinubaybayan naman ng food lovers at aspiring chefs ang pilot episode ng Farm To Table nitong nakaraang Linggo.

Sa isang Instagram post ay ipinarating ni Chef JR ang lubos na pasasalamat sa mga nanood at tumangkilik sa kanilang unang episode, ”Taos puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nag-abang na mapanood ang aming unang episode. Sa lahat din ng masigasig na nag-share at repost ng mga Farm To Table content – maraming salamat din po!”

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …