Friday , July 12 2024

Franco Miguel, sunod-sunod ang naka-line up na pelikula

LAGPAS kalahati na ang natatapos sa pelikulang Balangiga 1901. Ito ang naibalita sa amin ni Franco Miguel sa mediacon ng The Maharlikans na pinangunahan ni Dr. Shariff Albani.

Magiging bahagi rin si Franco ng naturang pelikula na under JF Film Productions, na siyang nag-produce ng Balangiga 1901.

Ang The Maharlikans ay isang historical film din, kaya tinanong namin si Franco sa reaksiyon niya na tila nalilinya siya sa historical films?

Wika niya, “Oo nga, e. Pero napaganda naman dahil at least, nagiging p1art tayo ng isang instrument para mag-inform sa new generation kung ano ang nangyari at mangyayari pa sa ating bansa.”

Nabanggit din ni Franco ang kagalakan dahil nakita niya ang unity ng Christians at ng Islam. “This nice gesture is one good sign that the movie The Maharlikans will speak on unity, peace and love,” pakli pa niya na nabanggit din na after ng dalawang pelikulang ito, may kasunod pang gagawing dalawang movie pa.

Ayon kay Dr. Albani, plano nilang kunin si Cesar Montano para maging isa sa bida sa nasabing pelikula. Bukod kay Franco ay makakasama rin sa The Maharlikans sina Jeffrey Santos, Onyok Velasco, Samantha Marquez, Rob Sy, Alma Soriano, at iba pa.

Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Danny Marquez, kasama ang beteranong si Direk Jun Posadas.

Si Franco ay nagsimula sa showbiz noong 1998.

Napanood siya sa mga pelikulang sexy tulad ng Nena Inosente at ang kanyang launching movie ay Mapupulang Rosas with Allona Amor.

Isa sa nagawa niya kamakailan ay advocacy film na Parola na mula sa tandem nina Direk Jun Posadas at Direk Danny Marquez.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Maxine Medina

Maxine maraming nabago sa katawan simula nang magbuntis 

MATABILni John Fontanilla EXCITED na si Maxine Medina na ipanganak ang first baby nila ng asawang negosyanteng …

Teejay Marquez

Teejay balik- Indonesia nag-endoso ng sikat na hotel 

MATABILni John Fontanilla NAKABALIK na sa bansa si Teejay Marquez na ilang araw na namalagi sa Indonesia …

Lito Lapid Lorna Tolentino

Sen Lito nilinaw tambalan nila ni LT hanggang telebisyon lang 

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT si Senador Lito Lapid sa mga manonood ng Batang Quiapo na natutuwa at kinikilig sa …

Lito Lapid Atty DX Lapid

Lito Lapid binigyang halaga ng SPEEd, Icon Awardee sa 7th The EDDYS

KINILALA ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) ang naiambag ni Senador Lito Lapid sa industriya ng pelikulang Pilipino sa …

blind item, woman staring naked man

Male celeb at fave clinic attendant may milagrong ginagawa  

I-FLEXni Jun Nardo ORDINARYO na sa mga staff ng isang derm clinic ang pagdating ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *