Thursday , May 2 2024
Quezon City QC Joy Belmonte

24 QC public schools gagamiting vaccination centers

INIHAHANDA na ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang 24 pampublikong paaralan upang gawing vaccination centers para sa CoVid-19.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang mga naturang public schools ay pinili nila dahil sa pagkakaroon ng maluwag na espasyo at pinakamalapit sa health centers, kung saan iiimbak ang mga bakuna laban sa CoVid-19.

Pawang public schools rin aniya ang kanilang napili dahil nasa pinaka-estratehikong lugar at episyenteng maging venue para sa pagbabakuna.

“Schools have ample space to ensure the free movement of personnel and to implement social distancing. They are also the nearest venues from our health centers, where the vaccines coming from Zuellig to our cold storage facility will be stored,” paliwanag ng alkalde.

Ayon kay Belmonte, ang bawat inoculation site ay mayroong well-ventilated waiting area, registration area, counseling area, screening area, vaccination room, at observation room.

Magkakahiwalay rin aniya ang mga silid para sa vaccination at observation ng mga pasyente na nakatanggap ng bakuna.

Nais ng QC LGU at Zuellig na matiyak na bawat vaccination site ay mayroong unidirectional workflow o isang entry at isang exit lamang at may mga palikuran.

Nabatid na pinangunahan ng mga opisyal ng Quezon City Health Department at Zuellig Pharmaceutical Company, kasama ang City Engineering Department, General Services Department, at Information and Technology Development Department ang inspek­siyon sa mga gagawing triage areas.

Sinabi ni QC Health Department Chief Dr. Esperanza Anita Escaño-Arias, ang mga bakuna ay sensitive kaya’t hindi ito maaaring ma-expose sa direct sunlight.

“To avoid wastage of the vaccine, the vaccination itself should take place in a covered facility. The vaccine is very sensitive lalo na kapag naarawan,” ani Dr. Arias.

Magtatalaga umano sila ng 22 empleyado para sa bawat vaccination site at ang bawat team ay binubuo ng physicians, marshals, vaccinators, counselors, at admin staff.

Mayroon isang generator set na nakaantabay sa bawat site at ambulansiya mula sa Barangay Health Emergency and Response Team (BHERT), sakaling magkaroon ng emergency.

Samantala, bukod sa mga paaralan, nabatid na plano ng QC LGU na magdagdag ng iba pang vaccination sites.

Sa ngayon ay isinasapinal umano ng lungsod ang pakikipag-usap sa Diocese of Cubao at Diocese of Novaliches na iniaalok ang kanilang mga parokya upang maging inoculation venues.

Target ng city government na inisyal na makapagbakuna ng 1.05 milyong mamamayan, base sa priority listing na ibinigay ng Department of Health (DOH).

Kasama rito ang mga public at private healthcare workers, barangay frontliners, senior citizens, persons with disability, uniformed personnel, at indigent families.

Una nang lumagda ang QC LGU ng tripartite agreement sa national government, sa pamama­gitan ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) at AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Nailandia

Mga lolo at lola, nanay at tatay pinamper ng Nailandia

NAPAKA-BONGGA ng may-ari ng Nailandia Body Spa and Nail Salon na si Noreen Divina. Nag-birthday kasi siya kamakailan …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Alfonso Brandy Alfie Alley FEAT

Alfonso Brandy’s Alfie Alley Year 2 Launch Concludes with Grand Success, Setting the Stage for Nationwide Expansion

LAST Friday night, Pop Up Katipunan was the scene of another milestone gathering as over …

Mr DIY Holi-DIY Spend and Win raffle promo Winners

Mr.DIY awards grand prize winner of the Holi-DIY Spend and Win raffle promo

MR.DIY, the go-to destination for big and small home improvement Familyhan needs, in partnership with …

Dave Almarinez Ara Mina

Dave suportado showbiz career ng asawang si Ara; naglunsad ng bagong ride-hailing app

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SUPORTADO ni Dave Almarinez ang showbiz career ng kanyang asawang si Ara Mina. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *