Friday , July 26 2024

Gerald Anderson at Derek Ramsay, tinawag na dugyot ni Ivana Alawi

KAYA patok si Ivana Alawi sa kanyang vlog kasi bukod sa maganda at sexy, wala siyang itinatago sa publiko. Very open talaga siya kaya minahal siya ng milyon-milyon niyang followers.

Siyempre isa sa bentaha ni Ivana ay ‘yung pagiging kikay niya na sosyal ang dating at malaking factor rin ‘yung madalas niyang pagkakawanggawa sa kapwa na hindi natin makikita sa ibang sikat na vloggers plus sobrang mahal niya ang kanyang mother, youngest sister (dating childstar sa GMA) at half brother. Super generous si Ivana sa kanyang pamilya kaya tuloy-tuloy ang akyat sa kanya ng blessings.

Samantala pagdating naman sa kanyang lovelife ay single pa rin ang famous vlogger. Minsan nang mag-guest siya sa isang vlog na ang topic ay usong-usong game na Jojowain o Totropahin? nang si James Reid na ang choice ay prangkang sinabi ni Ivana na hindi niya tipo ang hunky singer-actor dahil hindi raw niya feel ang tisoy mas go raw siya sa guy na moreno.

Tapos may isyu ngayon sa kanya na tinawag raw niyang mga dugyot sina Gerald Anderson at Derek Ramsay. Well kung ‘yan ang opinyon niya ay wala tayong magagawa lalo’t madalas maging laman ng blind item si Gerald na hindi siya maingat sa kanyang hygiene.

‘Di ba, si Kim Chiu pa raw ang nagsesepilyo ng ngipin ng dating boyfriend lalo na kapag tinatamad mag-toothbrush?

Kay Derek ay no comment kami.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

About Peter Ledesma

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *