Monday , December 6 2021

Pangalawang ATR freighter ng Cebu Pacific karagdagan sa lumalaking cargo fleet

UPANG higit na palakasin ang cargo operations sa mga paliparan sa bansa na may maiikling runway, nagdagdag ng panibagong ATR cargo freighter ang Cebu Pacific.

Sa kasalukuyan, maliit na bahagi lamang ng mga paliparan sa bansa ang kayang mag-accommodate ng jet aircraft, habang ang iba ay gumagamit lamang ng turboprops.

Nai-convert ang ATR 72-500 aircraft na may tail number RP-C7253 sa pasilidad ng Sabena Technics DNR S.A.S. na matatagpuan sa Dinard, France, gaya ng naunang freighter ng Cebu Pacific na dumating noog Agosto 2019.

Parehong nasa ilalim ng operasyon ng Cebgo (subsidiary ng Cebu Pacific) ang dalawang freighter ay mayroong malaking Cargo Door at maaaring magkarga ng hanggang walong tonelada ng palletized cargo.

Bukod sa dalawang ATR freighter, inayos din ng Cebu Pacific ang isa sa kanilang A330 aircraft sa all-cargo configuration na tinanggal ang mga upuan upang mailagay ang cargo sa pangunahing deck.

“We saw this pandemic as an opportunity to recalibrate our business and optimize operations to address the needs of our customers. There is a growing demand for cargo to and from the Philippines and our fleet of dedicated cargo aircraft allows us to address this while doing so in a more efficient manner,” ani Alex Reyes, Pangulo at CEO ng Cebgo.

Tiniyak ng Cebu Pacific na hindi mahahadlangan ng kasalukuyang sitwasyon ang pagbibiyahe ng mga ‘essential goods.’ (KARLA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Patuloy na pagpapalakas ng immune system panlaban sa CoVid-19

Dear Sis Fely Guy Ong, Magandang araw po sa inyo. Heto na naman ang banta …

Maja Salvador Rhea Tan Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters

Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters, perfect kay Maja Salvador

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KITANG-KITA ang pagiging magka-vibes nina Maja Salvador at lady boss …

Rida Robes Disney Savano Park CSJDM San Jose Del Monte Bulacan

Paskong masaya sa CSJDM, Bulacan

SA PAGNANAIS mabigyang kasiyahan ang mga residente ng San Jose Del Monte City, Bulacan, inilunsad …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Maja nakatagpo ng proteksiyon at pampalakas ng resistensiya

MATABILni John Fontanilla DOUBLE Celebration ang naganap noong Nov. 25, 2021 dahil bukod sa kaarawan ng CEO/President ng …

Krystall Herbal Oil

Talsik ng mantika sa mukha hindi naglintos dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Ako po …

Leave a Reply