Friday , July 26 2024

BB Gandanghari, nagsisi sa kanyang pagiging impulsive

PAGKATAPOS na magtaray sa kanyang younger brod na si Robin Padilla, sa kanyang bagong video, BB Gandanghari tearfully apologized. Saying that he regretted saying those words.
 
Anyway, last year, ibinuhos ni BB sa kanyang YouTube channel ang kanyang personal na damdamin.
 
Ibinuhos niya ang kanyang sama ng loob sa kanyang pamilya at iba pang kamag-anak.
 
Sa kanyang vlog, nag­labas ng kanyang galit at hinanakit si BB kina Ai-Ai delas Alas, Vice Ganda, nephew na si Daniel Padilla, sister-in-law na si Mariel Rodriguez, at sa entertainment columnists at talent managers na sina Lolit Solis, Cristy Fermin, at Ogie Diaz.
 
Nag-undergo raw si BB ng 40-day fasting and had the chance to ponder on his thoughts.
 
Na-realize raw niyang, he was able to imbibe some toxins and negativity at marami siyang nasaga­saang tao dahil sa kanyang outspoken pronounce­ments sa kanyang videos.
 
Hindi raw niya alam kung paanong magre-reach out at magso-sorry sa mga taong kanyang nasa­gasaan sa video na kanyang ini-upload nitong Bagong Taon, January 1, 2021.
 
At this juncture, naiyak si BB while talking.
 
“I wanna apologize, I wanna have that chance na to express better why I reacted that way, or bakit lumabas ‘yung mga words na hindi dapat, because it’s hurtful.
 
“And then I realized na sometimes honesty is not enough.
 
“Sometimes no matter how honest the words are, it is better to keep it to yourself.”
 
Kay Robin siya unang gus­tong mag-sorry.
 
May mga nasabi raw kasi siya na puwedeng nakasakit sa kanyang pamilya.
 
Pinagsisisihan raw niya lahat ‘yon.
 
Kung puwede lang daw niyang burahin, kanyang gagawin dahil it’s really most unfair.
 
May mga nasabing hindi magaganda si BB tungkol kay Robin kagaya ng iba raw ang ipinapakita nito sa harap ng camera.
 
Tinawag rin niyang “talking doll” si Mariel.
 
Nag-apologize rin si BB kina Lolit at Cristy.
 
Lolita posted sa social media na hindi raw dapat pinangalanan o ibinunyag ni BB ang kanyang nakaraan, specially so, nadamay ang isang taong nananahimik.
 
Sa kanyang New Year vlog, nag-apologize lang si BB kina Lolit at Cristy at hindi kay Maxie, Jr.
 
Sa ngayon ay hawak na ni BB ang kanyang oras dahil nag-resign na siya sa kanyang day job sa U.S.
 
Dati siyang nagtatra­baho sa isang accounting firm.
 
Bukod sa YouTube vlog, pagtutuunan rin daw niya ng pansin ang kanyang itinayong online store.
 
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
 
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
 
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
 
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.
 
 
 
 
 
 
 

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *