Friday , June 26 2026

Tambalang Julie Ann at David, tanggaping kaya?

SA muli niyang pagsabak sa acting, masayang ibinahagi ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose ang excitement sa magiging role sa upcoming series sa GMA News TV na Heartful Cafe.

Nakatakdang ipalabas ang serye sa 2021 at makakatambal ni Julie rito ang Kapuso actor na si David Licauco. Makakasama rin nila ang iba pang Kapuso stars tulad nina Zonia Mejia, Jamir Zabarte, Andre Paras at marami pang iba.

Gaganap si Julie bilang si Heart Fulgencio, isang online romance novelist at coffee enthusiast na nagmamay-ari ng The Heartful Café, isang cozy coffee shop.

Sa nakaraan niyang interview sa 24 Oras, ikinuwento niya na excited na siyang maka-eksena si David. “I’m looking forward din sa mangyayari sa tapings namin and of course I’m also looking forward to working with new people. It’s a very light show. Sobrang ganda ng story and sobrang exciting. Dito rin namin malalaman kung ano ‘yung capability ng team-up namin ni David. I’m also looking forward kung ano ba ‘yung kayang mai-offer ng team up.”

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …