Friday , July 26 2024

Fan Girl, big winner sa 46th MMFF; Charlie at Paulo, best actor at actress

NAPANALUNAN ng pelikulang Fan Girl ang karamihan sa awards sa 46th Metro Manila Film Festival na idinaos virtually Linggo ng gabi, December 27.
Hosts sina Kylie Versoza at Marco Gumabao sa Gabi ng Parangal na itinanghal na Best Actress ang female lead star ng Fan Girl na si Charlie Dizon at itinanghal namang Best Actor in a Leading Role si Paulo Avelino mula rin sa Fan Girl.
Bukod dito, naiuwi rin ng Fan Girl ang mga tropeo bilang Best Picture,  Best Director (Antoinette Jadaone), Best Screenplay (Antoinette Jadaone), Best Editing (Benjamin Tolentino), Best Cinematography (Neil Daza), at Best Sound (Vincent Villa).
Nanalo namang Best Actress in a Supporting Role si Shaina Magdayao para sa pelikulang Tagpuan (ng Alternative Vision Cinemas ni Quezon City 5th District Congressman Alfred Vargas); ang Tagpuan din ng direktor na si Macarthur Alejande ang itinanghal na 3rd Best Picture.
Ang nanalong Best Actor in a Supporting Role ay si Michael de Mesa para sa pelikulang Isa Pang Bahaghari na produced ng Heaven’s Best Entertainment.
Ang FPJ Memorial Award ay ipinagkaloob sa pelikulang Magikland na nanalo ring Best Visual Effects (Richard Francia at Ryan Grimarez/Central Digital Lab), Best Production Design (Ericson Navarro), at Best Musical Score (Emerzon Texon).
Ang The Boy Foretold by the Stars naman ang itinanghal na 2nd Best Picture at ito rin ang napili para sa Gender Sensitivity Award at nanalo ring Best Original Theme Song (Ulan by Jhay Cura/Pau Protacio).
Best Child Performer si Seiyo Masumaga ng pelikulang The Missing at Best Student Short Film naman ang Paano Maging Babae ng De La Salle College of Saint Benilde.
Ipinagkaloob naman ang Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award sa Suarez: The Healing Priest.
Ang Special Jury Prize ay iginawad sa yumaong direktor na si Peque Gallaga samantalang ang Manay Ichu Vera Perez Maceda Award ay iginawad kay Ms.Gloria Romero.
Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *