Sunday , November 28 2021

Happenstance ni Direk Adolf, makikipagbanggaan sa MMFF 2020  

NABALITA na may pelikulang gagawin ang Superstar na si Nora Aunor sa Godfather Productions ni Joed Serrano.

 

At ang magiging direktor nito ay ang premyadonf direktor na si Adolf Alix, Jr.

 

Nausisa ko si Direk tungkol dito. Na para bang nagiging paborito niya ang Superstar. Ano ba ang nagugustuhan niya sa pakikipagtrabaho rito?

 

I think ‘yung age range po niya is ripe for beautiful character studies. Plus of course I grew up watching her great work as an actress. So if there is a role that I think Ate Guy can play, we try and offer it to her.

 

“I never had problems with her in the previous projects (‘Padre de Pamilya,’ ‘Whistleblower,’ ‘Role Play’ and an episode in ‘Karelasyon’).

 

I think her willingness to collaborate and she still wants to grow as an actress through the roles gives a leeway for directors to create interesting films with her. Ako naman I always tell her what I think  about the character she is portraying but I also give her space to breathe as an actor to do her job within the confines of what is given.”

 

At sa panibagong paraan ng panonood ng mga pelikula-digitally, kumusta naman?

 

I think this a a new direction we can’t shy away upon especially given the realities of the pandemic. So dapat pong pag-aralan paano ma-utilize ang medium na ito to bring in audiences. But nothing still beats the cinema experience. So sana makabalik pa and I think it will kapag okay na po ang situation…”

 

Ayon kay Joed, Kontrabida ang titulo at konsepto ng proyekto niya para sa Superstar.

 

When I was meeting with Sir Joed po I mentioned to him na I have a project called ‘Kontrabida’ with Ate Guy. He said he is also looking for a project na ganoon ang title.

 

“Before the pandemic, January I was telling Ate Guy about the story and she liked it. Sabi ko I will try to pitch it and look for a producer. So I think it was the right time and now we will start filming. Si Jerry Gracio po ang writer. At nag-meet kami ni Joed because of Wendell Ramos na artista niya in one of his movies.”

 

May pelikula para sa MMFF2020 si Adolf. At may Happenstance din siya na magsisimulang mag-stream sa araw ng Pasko, a BL story.

 

That is what’s good with Ate Guy. ‘Di po siya takot to try new things as long as she responds to the material. Maganda pong character study ito and I think she saw that kaya she is excited to do it too.”

 

Sa pamamagitan ng Gagaoolala.com matutunghayan sa December 25 ang istorya ng kakaibang romansa ng mga taong pinagtagpo mula sa magkalayong panahon sa Happenstance.

 

 

Forty six years apart, in between Martial Law and the pandemic, and yet their worlds meet by Happenstance…

 

“True love happens once in a lifetime.

 

“Wade and Jose Manuel’s story unfolds this Christmas on Gagaoolala.com.”

 

Posible ba ito? Isa uling katha ni Jerry Gracio.

 

Masayang Pasko sa mga treat ni Direk Adolf sa atin. Coming Home ang isa pa! 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Blind Item, Men

Aktor usap-usapan ang escapades sa mga gay designer at rich gays

HATAWAN!ni Ed de Leon USAP-USAPAN ang naging simula noon ng isang male star sa isang …

Andrew Schimmer Jho Rovero

Andrew nananawagan tulong sa asawa

HATAWAN!ni Ed de Leon NANANAWAGAN si Andrew Schimmer, na gumawa rin noong araw ng ilang …

Leave a Reply