Thursday , June 4 2026
bugbog beaten

SK Chairman sugatan sa bugbog at pamamaril ng grupo ng kabataan

Sugatan ang isang incumbent Sangguniang Kabataan chairman nang pagtulungang bugbugin at barilin nang mapag­tripan ng isang grupo ng mga kabataan sa bayan ng sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 19 Disyembre.

Batay sa ulat na ipinadala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, kay P/BGen. Valeriano De Leon, PRO3 director, kinilala ang biktimang si John Mico Yamzon, isang SK Chairman, at residente ng Bgy. Tigpalas, sa natu­rang bayan.

Nabatid na habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo sa national highway sa Bgy. Salacot, nagkaroon siya ng pakikipagtalo sa mga suspek na kinilalang sina Karl Wyn Cruz, Jefferson Juatco, Almarvin Ruben, at Kier Wilmer Juatco.

Sinasabing minasama ng grupo ang hindi pag­kaka-overtake ng sina­sakyan nilang Mitsubishi L300 sa motorsiklong minamaneho ng biktima.

Pagdating sa isang gasolinahan, nagbabaan ang mga suspek at kinom­pronta si Yamzon hanggang magkaroon ng suntukan habang isa sa kanila ang bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima.

Matapos ang pama­maril kung saan tinamaan ang SK chairman sa kali­wang braso ay nagsitakas ang mga suspek saman­talang isinugod ang biktima sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Kasunod ng isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng San Miguel Municipal Police Station (MPS), nasakote ang isa sa mga suspek na si Karlwyn Cruz, samantalang sina Jefferson Juatco, Almarvin Ruben at Kier Wilmer Juatco ay nakala­yo sa pag-aresto at kasa­lukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Nahaharap ang mga suspek ngayon sa kasong Frustrated Murder na ihahain sa korte.

(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …