Love of My Life, mapapanood na muli sa December 28

HINDI na maitago ng viewers ang kanilang excitement sa pagbabalik-telebisyon ng top-rating primetime series na Love of My Life SA Disyembre 28 sa GMA Telebabad.

Nitong Nobyembre ay sumailalim sa 22-day lock-in taping ang cast na pinangungunahan nina Coney Reyes, Carla Abellana, Rhian Ramos, at Mikael Daez para sa fresh episodes ng serye.

Sa Instagram ay nagbahagi rin si Carla ng behind-the-scene photo na kuha mula sa kanilang lock-in taping. “Just as I mentioned, ‘Love of my Life’ is returning on primetime television before the year ends. Fresh episodes coming REAL SOON.”

Abangan ang kapana-panabik na pagbabalik ng Love of my Life sa GMA Telebabad.

Rated R
ni Rommel Gonzales