Sunday , January 23 2022

Vlog ni Direk Reyno Oposa, binisita ng sikat na vlogger na si Mommy Toni Fowler

Akala ni Direk Reyno Oposa ay magiging malungkot ang kanyang Pasko dahil sa amang nagkasakit na naging artista niya sa short film na “Takipsilim.”

Pero sa rami ng nagdasal para sa kanyang Tatay ay mabilis itong gumaling at nagpapahinga na lang sa kanilang bahay.

Kahit nasa Canada based na matagal na panahon si Direk Reyno ay madalas ang communication niya sa kanyang pamilya dito sa Pinas.

‘Yung negosyo nga niya noon na Litsong Manok ay ipinagkatiwala niya sa kaanak.

Masaya pa lang ibinalita ni Direk Reyno sa lahat ng viewers and subscribers ng kanyang official channel na Reyno Oposa sa Youtube na mapapanood na siya sa kanyang Live Streaming buong weekdays(Mon-Fri) ng 9:00 PM dito sa Pinas at 9:00 AM naman sa Ontario Canada.

Mas marami raw siyang ita-tackle na mga interesting topic sa Vlog niyang ito.

Very flattered pala ang kaibigan naming director at recently lang ay bumisita o nagbigay pugay sa kanyang live streaming ang famous Sexy vlogger na si Mommy Toni Fowler na may 4.37M subscribers sa Youtube.

By the way, excited na rin si Direk Reyno at ang kanyang mga artista sa pagpapalabas ngayong December 24 ng gabi sa special project ng Ros Film Productions na “Lockdown Paradise.” Kabilang sa digital series na ito sina Von Mira, Travis Kalon, Sherwin Asis, and Charise Lepiten.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

About Peter Ledesma

Check Also

Blind Item Man Sausage

Aktor na ga-kalingkingan may kakaibang gimmick, bading pa

HATAWANni Ed de Leon KAKAIBA ang gimmick ng isang pa-star na baguhang male star. Nagsa-sideline siya …

Nora Aunor Lotlot de leon Sandy Andolong Christopher de Leon

Pagtawag ng Nay ni Lotlot kay Sandy ipinagpuputok ng butse ng Netizens

HATAWANni Ed de Leon KINAMPIHAN nina Boyet de Leon at Sandy Andolong si Lotlot de Leon laban sa mga basher na …

Rabiya Mateo Lolo Narding Flores

Rabiya abogado ang tulong na maibibigay kay Lolo Narding

HATAWANni Ed de Leon NANAWAGAN ang dating Miss Universe contestant at nag-aartista na ngayong si Rabiya Mateo sa kung …

DJ Jay Machete Kakai Bautista Sanya Lopez

Kakai Bautista, nang-bash ng DJ dahil sa blind item

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG mga netizens ay napa-sana all lang naman kay Kakai …

Nadine Lustre help Siargao

Nadine mas gustong tumulong, no time sa bashers

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA sa kanyang buhay ngayon si Nadine Lustre kaya naman wala itong time na …

Leave a Reply