Wednesday , June 19 2024

Sean de Guzman, thankful sa pagbibida sa Anak ng Macho Dancer

BIGGEST break ng guwapitong Clique V member na si Sean de Guzman ang pagbibida niya sa pelikulang Anak ng Macho Dancer.
Sobra ang pasasalamat ni Sean sa Mega Producer na si Joed Serrano sa ibinigay sa kanyang pagkakataon.
Lahad ni Sean, “Sobrang nagpapasalamat po ako kay Sir Joed, sobrang bait, sobrang maalaga sa aming mga artista, sa mga staff, sa lahat po, sa production… All out talaga ang lahat ng bigay niya.”

Nagpasalamat din si Sean kay Direk Joel at sa lahat ng co-stars sa pelikulang ito, lalo na sa mga senior actors na very supportive sa kanya. “Maraming salamat po kay Direk Joel, thankful po ako sa mga senior stars na kasama ko rito, may mga take two na eksena po ako rito, pero hindi naman po sila nagalit, very supportive po sila sa akin, pati si Ms. Osang,” saad pa ng actor na nasa pangangalaga ng 3:16 Events and Talent Management ni Ms. Len Carillo.

Sinabi rin ni Sean na ibinigay niya ang lahat para magawa nang tama ang hinihingi ng papel niya rito

Paano niya kinaya ang mga daring na eksena sa movie, lalo’t newcomer pa lang siya? “Sinabi ko na lang sa sarili ko na magfo-focus ako rito at ibibigay ko ang lahat. And yung kaba ko po habang nagsu-shooting, ginamit ko na lang iyon para maayos kong mai-deliver ang hinihingi ng role ko po.

“Iyong papel ko po kasi rito, parang may hawig talaga sa pagkatao ko. Si Inno (karakter niya) po kasi, isa siyang risk taker, na gagawin ang lahat para sa pamilya niya.”

Dagdag pa ni Sean, “Itong pelikulang ito… kasi yung iba kapag sinabing macho dancer, parang naiisip agad ng iba na bastos o malaswa… pero rito po sa Anak ng Macho Dancer ay iba po, marami po kayong mapupulot na aral sa movie namin.”

Ang pelikula ay under sa The Godfather Productions at mula sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan. Tampok din dito sina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Ricky Gumera, Charles Nathan, Miko Pasamonte, Niel Suarez, Chloe Sy, at iba pa.

Planong gawin ang premiere night nito sa UP Film Center para sa uncut version ng pelikula.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

blind item woman

Madir ni sikat na singer namigay ng expired na chocolates 

I-FLEXni Jun Nardo PARTE na ng showbiz ang stage mothers and fathers. Medyo nababawasan na …

blind item

Male starlet nagbanta kung walang project goodbye produ na

ni Ed de Leon INAMIN ng isang male starlet na ginawa niya ang lahat ng ipinagawa sa …

Paolo Contis

Paolo walang bumati sa 3 mga anak noong Father’s Day

HATAWANni Ed de Leon ANG tanungan noong isang araw, binati kaya ng kanyang mga anak …

Onemig Bondoc

Onemig kung ‘di nagkamali ng diskarte baka sikat pa rin ngayon

MAYROONG isang mahilig na mag-post ng mga lumang artista sa social media at noong isang …

Kim Chiu Aileen Choi-Go Sisters Napkins

Kim deadma na sa past relationship, blessings dagsa

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DAPAT na lang sigurong deadmahin ni Kim Chiu ang mga isyung may kinalaman …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *