Sunday , June 16 2024
Pitmaster Foundation Inc dialysis

Libreng dialysis, handog ng foundation sa mahirap

LINGID sa kaalaman ng karamihan, daan-daang mahihirap na Filipino na may sakit sa bato ang tinutulungan ng isang foundation para makapag-dialysis simula pa noong Nobyembre.

Ayon kay Atty. Caroline Cruz, program director ng Pitmaster Foundation, Inc., “inire-refer namin ang mga pasyente sa pinakamalapit na ospital o dialysis center tapos kami ang mag­babayad.”

“All they have to do is message us sa aming Facebook o Instagram, tapos we contact them and refer them sa dialysis center o ospital,” aniya pa.

May 15 partner dialysis centers ang Pitmaster Foundation, Inc., sa buong bansa.

Umaabot sa halos P5,000 ang sinasagot ng Pitmaster Foundation sa bawat sesyon ng pa­syente.

“Gusto lang po namin na makatulong sa gastusin ng pamahalaan para maipagamot ang libo-libo nating mahihirap na kababayan na kailangan ng dialysis,” dagdag ni Atty. Cruz.

Ani Cruz, “Alam po naman natin na sagad na rin ang gastusin ng pamahalaan dahil sa pandemyang ito kaya we are willing to help.”

Nabatid na walang bayad at dapat ay mahirap ang tanging requirement ng Pitmaster para sa kanilang libreng dialysis.

Para sa libreng dialysis, mag-message lang sa Pitmaster Facebook messenger o sa kanilang Instagram na ‘Pitmaster Cares.’

Maaari rin mag-email sa [email protected].

About hataw tabloid

Check Also

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

THE Participatory Planning and Road Map Development Workshop towards a Smart and Sustainable City of Laoag kicked off …

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

The Department of Science and Technology Regional Office X recently made strides in its mission …

Eye Mo Moist ken chan

Eye Mo Moist: A must-have item during Silent Outbreak Dry Eye Disease (DED)

Dry eyes disease (DED) is currently emerging as a rapidly spreading but unnoticed epidemic. It …

Puregold CinePanalo

Sa pagbabalik ng Puregold CinePanalo:
7 FULL-LENGTH TATANGGAP NG P3-M GRANT

ITINODO pa ng supermarket chain na Puregold ang adbokasiyang kampanya nito–ang Puregold CinePanalo Film Festival, sa pamamagitan ng paghahandog …

Komisyon sa Wikang Filipino nakiisa sa Mental Health Awareness Month

Komisyon sa Wikang Filipino, Nakiisa sa Mental Health Awareness Month

Bilang pakikiisa ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Mental Health Awareness Month, isinagawa ang Mental …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *