Thursday , June 4 2026
ABS-CBN congress kamara

New franchise sa ABS-CBN hindi gano’n kadali (Atienza tinabla ni Marcoleta)

TALIWAS sa pagtitiyak ni House Deputy Speaker Lito Atienza na sa 2021 ay posible nang makakuha ng panibagong legislative franchise ang ABS-CBN sa ilalim ng liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco, hindi para kay SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta na aniya’y daraan pa rin sa butas ng karayom.

Ayon kay Marcoleta, isa sa pangunahing tumutol sa pagkakaloob ng prankisa sa ABS-CBN, may karapatan ang TV network na muling mag-apply sa Kamara ngunit kung maaaprobahan ito ay nakadepende sa maraming bagay, una na rito kung nagkaroon ng reporma, nagkaroon ng bagong management, at kung natugunan ang violations.

“Kung mag-a-apply sila pero ‘yung mga taong nasa likod nito ay sila-sila pa rin, ‘yung pasilidad ganoon pa rin, walang nakitang reporma ay baka hindi pa rin sila mabigyan ng franchise,” diin ni Marcoleta.

Giit ng mambabatas, ang bawat isang probisyon sa prankisa ng ABS-CBN ay hihimayin din isa-isa kaya kung siya ang tatanungin ay matatagalan pa bago sila mapagbigyan.

“‘Yung provision sa kanilang franchise mula Section 1 hanggang sa dulo ay susuriin nang mabuti, ito ay pagtitiyak na hindi na mauulit ‘yung mga naging violations kaya matatagalan pa bago ang sinasabing makababalik sila sa ere,” paliwanag ni Marcoleta.

Para sa grupong Federation of International Cable TV and Telecommunication Association of the Philippines (FICTAP) dapat munang bayaran ng ABS-CBN ang P1.6 trilyong penalties sa kanilang naging violations bago pa magbalak na mag-renew ng kanilang prankisa.

“Bago sana pag-usapan sa Kamara ‘yung renewal, ma-satisfy nila ang government na mabayaran ‘yung penalties, kasi kaming cable operators ‘pag mayroon kaming shortcomings sa National Telecommunications Commission (NTC) hindi nare-renew ‘yung aming mga permit kung hindi kami magbabayad ng mga unpaid na penalties, e bakit sila magre-renew nang hindi naman sila nagbabayad ng kanilang penalty,” pahayag ni FICTAP President Estrellita Tamano.

Matatandaan, una nang kinompirma ni Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, sa ilalim ng pamumuno ni Velasco ay maibabalik muli sa floor ang diskusyon sa pagpapalawig sa prankisa ng ABS-CBN.

“I am really confident, justice will prevail by next year. They (ABS-CBN) were maltreated, they were maltreated, they were eventually assassinated, so they should be given justice. Ako, I am just giving the new Speaker time to settle. Hindi naman natin puwedeng biglain, major battle, kauupo lamang niya. But I am not shying away from the responsibility and for the opportunity to come – that I’m working on – para maibalik natin ‘yung floor discussion. Hindi ‘yung special firing squad ang pumatay sa ABS-CBN, firing squad e,” nauna nang pahayag ni Atienza.

Sinabi ni House Minority leader at Abang-Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano na pagpasok ng 2021 ay maaari nang maghain ng franchise renewal application ang ABS-CBN alinsunod na rin sa rules ng Kamara.

Bukod kay Atienza at sa Makabayan Bloc, ilan pang mambabatas na sumusuporta at nag-sponsor ng iba’t ibang resolusyon at panukala para sa franchise renewal noon ng ABS-CBN ay sina Rep. Sol Aragones, Lawrence Fortun, Mark Go, Rufus Rodriguez, Josephine Sato, Micaela Violago, Rosemarie Arenas, Loren Legarda, Vilma Santos-Recto, at Joy Tambunting.

Ang dalawang sponsor na sina Paduano at Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ay nag-withdraw ng kanilang support kalaunan.

Sa ngayon, wala pang pro-ABS-CBN congressman ang naghahayag ng kanilang intensiyon na maghain ng panukala para i-renew ang prankisa ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …