Sunday , May 19 2024

DPWH Exec inabsuwelto ng Sandiganbayan sa kasong graft

INABSUWELTO ng Sandiganbayan ang Director III ng  Legal Services ng  Department of Public Works and Highways (DPWH) na si  Atty. Oscar Dominguez Abundo sa kasong graft.

Batay sa desisyong inilabas ni  Sandiganbayan Sixth Division  Presiding Justice  Amparo Cabotaje-Tang noong 4 Disyembre 2020, nakasaad na bigo ang  prosecution na patunayan na nagkaroon ng pagpabor  si Abundo sa pagpapalabas ng  pondo para sa General Santos City – Koronadal Road at pumabor sa pamilya ni Mohamad Bin Abdurasak.

Sinampahan ng kaso si Abundo ng paglabag sa  Section 3(e) ng Republic Act  3019 o Anti Graft  and Corrupt Practices Act dahil sa pagpapalabas umano ng pondo at pagbabayad ng mahigit P24 milyon sa maling road project noong 2001.

Ngunit lumitaw na nagkaroon ng kalitohan at agad ipinaalam ni  Abundo sa noo’y kalihim ng  DPWH na si  Sec. Simeon Datumanong.

Nakasaad sa desisyon na karapatan ng  pamilya ni Mohamad Bin Abdurasak na mabayaran alinsunod  sa proseso at dokumento na isinumite bagamat unang nagkaroon ng kalitohan o pagkakamali sa pangalan ng  road project.

Si Abundo ay kinatawan nina dating IBP Governor for Greater Manila Atty. Jose Icaonapo, Jr., at Atty. Edepigo Litong ng Icaonapo Litong Geromo and Associates Law Office.

About hataw tabloid

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *