Thursday , June 13 2024

A2Z Channel 11, araw-araw ang handog na spiritual inspiration

NAG-O-OFFER ang A2Z Channel 11 ng religious inspiration programming mula Lunes hanggang Linggo para maipagpatuloy ang misyong palaganapin pa ang salita ng Diyos na pinamumunuan ng Broadcasting founder, ang evangelist na si Eduardo “Brother Eddie” Villanuena.

Kaya naman inihahandog ng A2Z Channel 11 ang mga panooring tulad ng Bro. Eddie ClassicsFlying House at Super BookJesus The Healer at Jesus is Lord Sunday Worship Healing Service.

Sabi nga ni A2Z Chairman and President Sherwin Tugna, “Our inspirational programs are targeted to audiences of all ages. These include the most iconic from the past decades and the best of the current times. In effect, we want to underscore the timelessness of God’s Word.”

Isang study session mula sa Biblia ang isinasagawa ni Bro Eddie sa Bro. Eddie Classics na kung ilang taon na siyang nagbabahagi ng salita ng Diyos para sa mga miyembro ng Jesus is Lord Church. Na-witness na ito ng kung ilang daang libong na recorded live. Ipinalalabas ang programang ito dalawang beses sa isang araw, Monday to Friday, 6:00-7:00 a.m., at mauulit ng 10:00 p.m.- 11:00 p.m..

Isang Japanese animated seris naman ang Flying House na mula sa Christian Broadcasting Network. Ito ay ukol sa adventures ng mga batang sina Justin, Angela, at Corky, kasama ang android S.I.R., habang naglalakbay sila at ipinararanas ang mga nagaganap sa New Testament, sa pamamagitan ng time machine na kung tawagin ay Flying House na binuo ni Professor Bumble. Agad tinangkilik ang Flying House noon pa mang unang ipalabas ito taong 1980 na hanggang ngayo’y kinagigiliwan ng marami. Napapanood ito sa A2Z mula Lunes hanggang Biyernes, 5:00-5:30 p.m..

Bible themes naman ang Japanese animated series ding Superbook, na taong 1980 pa binuo. Ukol naman ito sa speaking book na nagdadala sa mga batang sina Chris at Joy kasama ang robot na si Gizmo sa Old Testament times. Ang Superbook, ay handog din ng Christian Broadcasting Network, na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 5:30-6:00 p.m..

Flagship progam naman ng JIL ang Jesus The Healer, na nagpapatunay sa kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang miracle healing service. Napapanood ito tuwing Sabado, 7:00-8:00 a.m., at may replays din ng 9:45-10:45 p.m., at tuwing Linggo ng 10:00- 11:00 p.m..

At hindi makokompleto ang Linggo ng A2Z  kung wala ang programang Jesus is Lord Sunday Worship and Healing Service tuwing, 7:00 a.m.

Available ang A2Z Channel 11 sa analog at digital free TV. Para ma-access ang A2Z Channel 11 sa digital TV, sundan lamang ito 1) Press the Scan button on the remote control of the digital TV box, 2) Choose “yes” to start auto-scan, 3) Select “OK” after scanning; 4) Find A2Z.  Para sa the latest updates, i-like at i-follow ang official A2Z Channel 11 Facebook page: www.facebook.com/OfficialA2ZPH/(MVV)

About hataw tabloid

Check Also

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

The Department of Science and Technology Regional Office X recently made strides in its mission …

Eye Mo Moist ken chan

Eye Mo Moist: A must-have item during Silent Outbreak Dry Eye Disease (DED)

Dry eyes disease (DED) is currently emerging as a rapidly spreading but unnoticed epidemic. It …

Puregold CinePanalo

Sa pagbabalik ng Puregold CinePanalo:
7 FULL-LENGTH TATANGGAP NG P3-M GRANT

ITINODO pa ng supermarket chain na Puregold ang adbokasiyang kampanya nito–ang Puregold CinePanalo Film Festival, sa pamamagitan ng paghahandog …

Komisyon sa Wikang Filipino nakiisa sa Mental Health Awareness Month

Komisyon sa Wikang Filipino, Nakiisa sa Mental Health Awareness Month

Bilang pakikiisa ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Mental Health Awareness Month, isinagawa ang Mental …

Philippines-China award, a flagship of friendship

Philippines-China award, a flagship of friendship

SIX outstanding Filipinos were honored Friday night as the 2024 laureates of the Awards for …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *