Sunday , July 14 2024

Direk Mae, sobrang na-pressure sa Four Sisters Before The Wedding

MAY prequel ang blockbuster movie ng Star Cinema noong 2013 na  Four Sisters and A Wedding na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Angel Locsin, Shaina Magdayao, at Toni Gonzaga. Ito ay ang Four Sisters Before The Wedding.

Bida naman dito ang apat na most promising teen stars na sina Alexa Ilacad bilang si Bobbie (ginampanan ni Bea), Charlie Dizon as Teddie (played by Toni), Gillian Vicencio bilang si Alex (ginampanan noon ni Angel), at Belle Mariano as Gabbie (karakter ni Shaina). Mula ito sa direksiyon ni Mae Cruz-Alviar.

Sa ginanap na virtual mediacon ng FSBTW, inamin ni Direk Mae na naramdaman niya ang intense pressure nang tanggapin niya ito, lalo pa’t kasagsagan ‘yun ng franchise renewal issue ng Kapamilya Network.

“At that point, high ang emotions ko talaga that any project, whatever you give me, just so I could do my part to help, just so I can help create new content for the company, go, kung ano man iyan. So noong sinabi ni Inang (Olivia Lamasan), sabi ko yes, go!,” sabi ni Direk Mae.

Patuloy niya, “Noong tapos na ‘yung call, noong ilang days na, nag-sink in sa akin kung ano ba itong pinasok ko. Tama ba ‘yung decision ko na tanggapin ‘yung project, eh ‘Four Sisters’ iyan. Come on, napakalaking pelikula.

“Up to this day, it’s so relevant still. Hindi mamatay-matay ‘yung popularity niya. It’s such a classic film. This is the first project that I did during the pandemic.

“Major adjustment siya for me because time is of the essence. We only had limited shooting days, unlike before na we had double the number of shooting days. We had limited shooting hours as well. There’s no time for asking questions, for delays, nothing like that. The focus is to really isipin what will motivate me, what will motivate the team and everyone.

“I think we achieved that naman because we are happy with the output. We are happy sa naging samahan namin on set and the way we did it. Ang pressure, we set it aside and we all worked hard together to come up with this beautiful team,” mahabang paliwanag pa ni Direk Mae.

Kasama rin sa cast ng Four Sisters Before The Wedding sina Carmina Villarroel, Dominic Ochia, Clarence Delgado, Irma Adlawan, Kakai Bautista, Cai Cortez, Jameson Blake, Joao Constancia, Pinky Amador, Minnie Aguilar, Boom Labrusca, Jenny Miller, at introducing sina Jeremiah Lisbo and Gigi de Lana.

Ang Four Sisters Before The Wedding ay mapapanood worldwide simula sa Dec. 11 via KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV, Cignal PPV and Sky Cable pay-per-view.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Maxine Medina

Maxine maraming nabago sa katawan simula nang magbuntis 

MATABILni John Fontanilla EXCITED na si Maxine Medina na ipanganak ang first baby nila ng asawang negosyanteng …

Teejay Marquez

Teejay balik- Indonesia nag-endoso ng sikat na hotel 

MATABILni John Fontanilla NAKABALIK na sa bansa si Teejay Marquez na ilang araw na namalagi sa Indonesia …

Lito Lapid Lorna Tolentino

Sen Lito nilinaw tambalan nila ni LT hanggang telebisyon lang 

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT si Senador Lito Lapid sa mga manonood ng Batang Quiapo na natutuwa at kinikilig sa …

Lito Lapid Atty DX Lapid

Lito Lapid binigyang halaga ng SPEEd, Icon Awardee sa 7th The EDDYS

KINILALA ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) ang naiambag ni Senador Lito Lapid sa industriya ng pelikulang Pilipino sa …

blind item, woman staring naked man

Male celeb at fave clinic attendant may milagrong ginagawa  

I-FLEXni Jun Nardo ORDINARYO na sa mga staff ng isang derm clinic ang pagdating ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *