Thursday , September 29 2022

Iza, naasiwa at kinabahan sa Loving Emily; Jameson, nasarapan sa halik ni Iza

MAY pagka-pilyo man tingnan, siguro’y komportableng-komportable  na si Jameson Blake kay Iza Calzado kaya agad nitong nasabing nasarapan siya sa kanilang kissing scene ng aktres para sa pinakabagong original series ng iWantTFC na mapapanood na simula Nobyembre 18, ang Loving Emily.

Ang Loving Emily ay isang May-December affair story, love story o ‘yung coming of age affair na idinirehe ni Gerardo Calagui.

Kaya nang kumustahin sina Jameson at Iza ukol sa kanilang halikan, agad sumagot ang actor ng, “Okey naman po, masarap.”

Na ikinahalakhak ni Iza at nasabing, “ha ha ha, ang batang ito!”

Bawi naman ni Jameson “At first siyempre medyo nahihiya pa kasi hindi ako sanay na may kissing scene with Iza, dahil sa  naunang teleserye namin (Ngayon at Kailanman, with Julia Barretto) mother figure siya. Siyempre different. Pero after many scenes, naging okey naman. No pressure naman at she help me naman with the scenes and I really appreciate that.”

Sa kabilang banda, aminado naman si Iza na sa rami ng proyektong ginawa niya, ngayon lamang siya kinabahan. Siguro’y dahil lovers ang role nila ni Jameson sa Loving Emily na may matitinding halikan at lampungan.

Kuwento ni Iza, “Sabi ko, oh my God, si Jameson? Naglolokohan na kami noon pa lang. Awkward ako. I can’t see Jameson as a lover. Para siyang baby boy sa akin. Although mayroon kaming playtime or ongoing na tawagan na ‘Baba’.

“Actually nahirapan ako. Kasi little boy ang tingin ko sa kanya. Naasiwa ako. Kasi mas matanda ako. At nag-sensuality workshop kami.”

Bukod sa sensuality workshop kay Angeli Bayani, pinapanood din sa kanila ang Call Me By Your Name, isang romantic relationship ng 17-year-old  sa isang 24-year-old.

Sinabi pa ni Iza na “Ang dami rin naming kissing scene. So, nasanay na hindi na nagkailangan. Kahit kami ni Epy (Quizon) marami ring kissing scene, kaya tawa kami ng tawa.

“Pero komportable naman kasi, alam ko na safe naman ako sa kanila,” paliwanag ni Iza.

Ang kuwento ay ukol kay Emily (Iza) na nasa 40s na at tila perpekto ang buhay sa social media, ngunit sa totoong buhay ay hindi masaya. Lalo’t nalaman niyang may kabit ang kanyang asawa (Epy Quizon). Si Jameson naman si Vince na mas bata ng halos 20 taon kay Emily na nakilala niya sa isang byahe. Kinabukasan, magigising na lang si Emily sa isang kama katabi si Vince sa isang hotel.

At dahil sobrang intense ang lovescenes sa Loving Emily, naikompara ito sa Glorious nina Angel Aquino at Tony Labrusca.

Ani Iza, “I haven’t seen that, and I guess it’s better that I didn’t so I wouldn’t copy anything. But when I saw the trailer, I thought, ‘May laban!’ We didn’t have the love scene inside the bathroom, but we did it on the beach.”

Bagamat hindi nagpapa-double si Iza sa maseselang eksena, iginiit naman niyang, “I have no qualms about doing that kind of stuff, although I have limitations. There’s no frontal nudity here. I also had to do love scenes with Epy, and ours were different because we play husband and wife here. It was an interesting ride.”

Kasasama rin sa Loving Emily sina Christian Vasquez, Ruby Ruiz, Anne Feo, JJ Quilantang, Claire Ruiz, at Heaven Peralejo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Piolo Pascual Rhea Tan Iñigo Pascual

Piolo masaya sa success ng anak na si Inigo

MATABILni John Fontanilla AFTER 2 years, muling humarap ang Ultimate Leading Man at award-winning Kapamilya actor na …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo sa pag-endoso ng Beautederm — nakapagpapaganda ng buhay at may kredebilidad

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BUO ang suporta ni Piolo Pascual sa local businesses lalo na iyong mga …

Andrea Brillantes Paul Salas

Andrea aminadong nagka-crush kay Paul Salas

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Andrea Brillantes, sinabi niya na at the …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner …

Blind Item, Men

Self sex video at pictures sa mga beki may epekto sa career ni male star

ni Ed de Leon HINDI lang isang self sex video ang ginawa ng male star. Ang …

Leave a Reply