Saturday , October 1 2022

Miko Gallardo, aminadong may mga indecent proposal sa gays

PATULOY sa paghataw ang showbiz career ng isa sa BidaMan na si Miko Gallardo. Thnakful siya na kahit na may pandemic ay patuloy pa rin ang pagdating sa kanya ng mga proyekto.

Katatapos lang magbida ni Miko sa BL series na My Day, na tinampukan din ni Inaki Torres. Naging positibo ang pagtanggap ng marami sa naturang serye, kaya posibleng mapanood muli si Miko sa ganitong tema ng serye.

Kabilang pa sa pelikulang dapat abangan sa tisoy na aktor ang Soul Sisters na tinatampukan nina Jolina Magdangal, Karla Estrda, at Melai Cantiveros. Plus, ang Arjo Atayde at Erich Gonzales starrer, titled Di Tayo Bagay na mula sa Regal Entertainment.

Okay lang ba kung malinya siya sa BL series?

Matipid na tugon ni Miko, “Okay lang naman po kung saan po ako dalhin ni Lord, I’ll accept po.”

Nabanggit din niyang hindi siya nagdalawang isip nang sumabak sa BL series.

“Hindi po ako nagdalawang isip dahil blessings po na nabigyan ako ng trabaho during pandemic, kaya hindi na ako nagdalawang isip pa.”

Bago nauso ang BL series, kabilang daw sa pinagkakaabalahan ni Miko ay ang pangangalaga sa kanyang health at pagtutok sa business niya.

“Before BL (series), I was taking care of my health and planning how to expand my business.”

Pahabol na sagot pa niya nang usisain namin kung ano ang tinutukoy niyang business, “I have lots na pinapaupahan po sa Palawan, need ko lang po to invest more into passive income to expand earnings po.”

Sa tingin niya, bakit nauso ang BL series? Ano kaya ang nag-spark para maging in ito ngayon?

“I think naging trending ang mga BL series because it is something new and the society is more open when it comes to peoples’ sexual orientation.”

Dahil sa paglabas ni Miko sa BL series, paano niya iha-handle kung sakaling magkaroon siya ng indecent proposal sa gays?

“I’ve honestly had indecent proposals before doing BL, so I’ll do the same. Say no and respect yourself. Let the Lord handle them,” esplika pa ng guwapitong actor.

Si Miko ay co-managed ng ABS-CBN at ng Mannnix Carancho Artist & Talent Management owned by Mannix Carancho ng Prestige International.

Sobra ang pasasalamat niya sa namumuno ng Mannnix Carancho Artist & Talent Management na sina Mannix Carancho at Amanda Salas sa pangangalaga sa kanyang career.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply