Thursday , June 4 2026

EBC Net 25, makikipagsabayan sa GMA 7 at TV5

HATAW sa dami ng show ang Eagle Broadcasting Company o Net 25. Kasabay kasi ng paglulunsad ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw ang paglulunsad din o pagpapakilala  ng mga kasalukuyan at upcoming o aasahang pang show sa kanilang network.

Masasabing tila makikipagsabayan na rin sila sa GMA7 at TV5 sa rami ng line-up ng shows.

Sa entertainment, nariyan ang noontime show na Happy Time nina Anjo YllanaJanno Gibbs, at Kitkat Favia; ang Kesayasaya!, isang musical sitcom nina Vina Morales, Robin Padilla, at  ng Asia’s Queen of Songs na si Ms. Pilita Corrales; ang Tagisan Ng Galing 2 na pawang hurado sina Imelda Papin, Vina Morales, Marco Sison, at Marcelino Pomoy (sa kantahan); Joy Cancio, Mia Pangyarihan, Wowie de Guzman, at Joshua Zamora (sa sayawan) na ang host ay sina Ruru Madrid at Jon Lucas; at ang Himig Ng Lahi (Season 3) hosted by Pilita Corrales and veteran singer Darius Razon.

Sa news department naman, ipinakilala ang mga program na primetime news tulad ng Mata Ng Agila with news anchors Vic Lima at Emma TiglaoEagle News International ni CJ Hirro; at ang morning primetime news na Pambansang Almusal ni Apple David.

Kasama rin sa lineup ang morning magazine show na Relax Ka Lang nina Jan Marini, Ara Mina, at Melissa Ricks at ang docudrama na PARAK ni Victor Neri.

Ongoing na rin ang shooting ng JukeBox King (The Life Story of Victor Wood), na pinagbibidahan ng dating TV5 actor na si Martin Escudero, under EBC Films, ang film arm ng Eagle Broadcasting Corporation.

Ayon sa EBC, asahan nang madaragdagan pa ang line-up ng show nila sa pagdating ng panahon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …