Thursday , September 29 2022

‘Online’ selling ng shabu, fraud sa socmed ‘yari’ sa Kamara

NAGING talamak ang paggamit ng social media sa transaksiyon ng illegal drugs sa bansa sa panahon ng pandemyang coronavirus disease (CoVid-19) upang hindi masilat ang kanilang ‘epektos’ sa mga nagkalat na checkpoint sa buong bansa.

Ito ang nakarating na impormasyon sa Kongreso kaya nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa tumataas na kaso ng panlolokong online kasama ang pagbebenta ng illegal drugs.

Nabatid sa agenda ng ika-14 na virtual hearing ng House Committee on Trade and Industry na ang agenda ay  “Inquiry into the growing reported cases of online fraud and the recent spate of internet scams, fake online bookings, and sale/distribution of illegal drugs online or via social media.”

Ang komite ay pinamumunuan ni Valenzuela City 1st District Rep. Weslie Gatchalian.

Wala pang depinidong impormasyon kung may layunin ang komite na amyendahan ang Cybercrime Prevention Act o  magbabalangkas ng hiwalay na batas kaugnay sa cybercrime sa panahon ng new normal. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …

Arrest Posas Handcuff

Sa P.6-M shabu
‘ILLEGAL DRUG DEALER’ ARESTADO SA KANKALOO

ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P600,000 milyong …

shabu drug arrest

Tulak na 2 kelot at bebot tiklo sa drug buy bust

TATLONG tulak ng ipinagbabawal na droga ang arestado, kabilang ang isang babae matapos masakote sa …

NBI

Tinapyas na budget ng NBI ibalik, laban vs cybercrimes paigtingin – solon

SA LAYUNING mapaigting ang laban ng bansa kontra insidente ng cybercrimes, kumilos si Senador Win …

Leave a Reply