Saturday , April 20 2024

Ima Castro, may sarili ng restaurant sa Taal

BUKOD sa pag-awit, pinasaok na rin ang restaurant business ni Ima Castro, ito ay ang Casa Conchita, Bed and Breakfast sa Taal Batangas.

 

Ayon kay Ima, “Medyo humina ang raket simula nang magkaroon ng Covid-19 Pandemic.

 

“Mostly ng mga naka-schedule kong gig na-cancel o ‘yung iba naman nare-sched, pero wala pang ibinibigay na exact na date.

 

“Kaya naman nag-isip ako kung ano ba ang puwede kong gawin habang wala pang mga raket, at naisip ko nga ang pagkakaroon ng restaurant dahil okey na naman ito ngayon basta susundin lang ang mga protocol ng gobyerno.

 

“And hindi naman nawawala sa uso ang pagkain kaya naisip ko nga itong Casa Conchita, Bed and Breakfast place na matatagpuan sa Taal, Batangas.”

 

Dagdag pa ni Ima, “Pwede ring i-rent ang place for birthday, anniversary parties…overnight stay, or weekend getaway place.”

 

At kahit nagmamay-ari na nga ng restaurant si Ima, hindi naman nito iiwan ang pag-awit lalo na’t dito siya nakilala. Kaya naman bisitahin na at i-try ang Casa Conchita, Bed and Breakfast in Bed sa Calle A. De Las Alas, Poblacion 7 Taal, Batangas at pwede tumawag sa 09178670355 para sa iba pang impormasyon.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *