Saturday , January 29 2022

Rosanna Roces at anak na si Onyok peace na (Sa loob ng mahabang taon na walang kibuan)

BUKAS na libro ang buhay ni Rosanna Roces, kaya isa sa mga isyu sa kanya ang matagal nang hidwaan nila ng youngest son na si Onyok o Dennis Adriano.

 

Magmula 2012 ay hindi na pala sila nagkikita at nagkakausap ni Onyok. Nadagdagan pa ang sama ng loob ni Osang nang marami ang nagparating sa kanya sa pagpapa-interview sa Startalk (na bahagi siya dati) ni Onyok, dahil sa sulsol ng former manager para siraan siya. Binayaran umano ng malaking halaga si Onyok ng programa.

 

Pero sa kabila ng sakit ng loob na ibinigay sa kanya ng anak ay nanahimik lang si Osang, at never niyang inilaglag ang anak kahit na tinabla siya nito. Basta ang sabi lang ng kaibigan naming actress (Osang) hintayin na lang na maghilom ang sugat at magkakaayos din sila ni Onyok dahil sila’y isang pamilya.

 

Ngayon after eight long, long years ay nangyari na ang sinabi ni Osang na reconciliation sa pagitan nila ng anak. Sa pamamagitan lang raw ng maikling mensahe sa chat na “Psst.” Hayun nag-reply si Onyok sa kanyang Mommy Osang at tapos na ang kuwento.

 

Matapos ng kanilang pag-uusap sa chat ay agad naglambing si Onyok kay Ms. O na ipagluto siya ng favorite niyang beef caldereta na isa sa specialty sa food selling online business ng ina na Timplada by Ms. O.

 

At sa sobrang saya ni Rosanna, that day ay nagluto siya ng marami tapos sinundo si Onyok ng sasakyan kasama ang apong si Maha at Leone (anak ni Onyok) at partner na si Blessy Arias at sabay-sabay na silang lahat na kumain ng dala niyang food and then after ng bonding ay nag-selfie ang mag-ina.

 

Isa-isa nang inaayos ngayon ni Osang ang buhay ni Onyok at susunod na pala ito sa kanyang mga yapak sa pag-aartista. Yes unang proyekto ni Onyok ay sa blockbuster young director na si Darryl Yap na director rin ni Osang sa “Pagkalaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” sa Viva Films.

 

“Teary eyed ako Peter, iba ‘yung feeling ng nanay na makasama mo uli ang anak mo na wala na kayong issue, at hindi pinag-usapan ang nakaraan. Gusto kong ibigay kay Onyok ang lahat ng kailangan niya, gusto kong makabawi sa anak ko. Mahal na mahal ko ang mga anak ko, si Grace at mga apo, sila ang mga inspirasyon ko sa buhay kasama si Blessy na partner ko sa hirap at ginhawa,” pahayag ni Osang sa pagbabati nila ni Onyok, na ang goal ay magpayaman uli silang

mag-ina.

 

At yes sa kabila ng pandemya ay humahataw sa rami ng projects niya si Osang na may dalawang movie sa Viva na ang latest ay “Kaka.” Tapos ay nagso-shoot sa kasalukuyan ng BL Series na director ang kaibigan niyang si Adolf Alix, Jr.

 

Sobrang saya niya at nadagdagan raw ang sked ng shoot niya na ngayon ay 3 times a week na. At katatapos lang din gawin ni Osang ang advocacy film na SK project ng kanilang producer na idinirek ni Joven Tan.

 

Very challenging raw ang character niya rito na isang overseas Filipino worker (OFW) na ang panganay na anak ay na-involve sa droga.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Baguhang poging male star nakatanggap ng malaking offer kay dirty old rich gay

HATAWANni Ed de Leon AKALA namin ay hindi bibigay at talagang matino ang isang baguhang poging …

Gladys Reyes Christopher Rojas

Gladys at Christopher dapat tularan (30 taon ng kasal)

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN mo 30 years na palang kasal sina Gladys Reyes at Christopher Rojas. Teenager …

NTC ‘di dapat i-bash, pagkuha ng franchise asikasuhin

HATAWANni Ed de Leon ANG ginawang pamimigay ng NTC sa mga dating frequencies ng ABS-CBN sa ahensiya ng Advance Media …

Leni Robredo Boy Abunda

Sa interbyu kay Boy Abunda
VP Leni pinuri sa malinaw at matibay niyang plano para sa bansa

UMANI ng papuri si presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa iba’t ibang artista sa pagprisinta …

Mike Defensor

City of Stars itutuloy ni Defensor (‘pag nahalalna mayor ng QC)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ITUTULOY ni Cong. Mike Defensor ang matagal ng plano ng namayapang Master …

Leave a Reply