Wednesday , January 21 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo, tinuturuan nang umarte si Summer

SA loob ng anim na buwan, 30 pounds na ang nabawas sa timbang ni  Paolo Contis.

 

Aniya, na-inspire siyang mag-exercise at magpapayat para sa kanyang one-year-old daughter na si Summer.

 

Kuwento ni Paolo sa panayam ng 24 Oras, “It’s not really the weight I lose but the life I gain. It’s true para sa akin. Napunta na ako sa point na pagtakbo ni Summer ng ikatlong hakbang, ayoko nang sumama, eh. Hindi pwedeng ganoon. Kailangan nakakahabol na ako. Ngayon, I eat better, I sleep better, I stopped drinking.”

 

Aminado rin si Paolo na bukas ang posibilidad na pasukin din ni Summer ang mundo ng showbiz kaya naman tinuturuan niya ito ng iba’t ibang acting techniques na kinaaaliwan naman ng netizens.

 

“Para akong may matandang kausap, grabe nakatutuwa,” say ng aktor. “Diretso na ‘yung conversation pero siyempre baby pa rin magsalita. Tapos may mga acting siya na ‘Ouch! Ouch!’”  

 

Dagdag pa ni Paolo, susuportahan niya kung ano man ang gustong gawin ni Summer in the future. “Cliché man pero kung saan siya masaya pero habang bata, ang ituturo mo lang naman sa kanya are the values para ‘pag isinabak mo siya sa giyera, alam na niya ang lahat.”

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Toni Gonzaga Alex Gonzaga

Alex sa kung sino ang mas maganda sa kanila ni Toni: Ako! Honest lang tayo

MA at PAni Rommel Placente TINANONG si Alex Gonzaga sa isang interview sa kanya kung sino ang …

KimPau Paulo Avelino Kim Chiu

Paulo iba ang ngiti ‘pag si Kim ang pinag-uusapan 

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN si Paulo Avelino  sa Sinulog Festival sa Cebu City minus Kim Chiu. During …

Mike Tan Mark Herras

Mike sa pagsasayaw ni Mark sa gay bar: nagtatrabaho siya para sa pamilya niya

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAGTANGGOL ni Mike Tan ang kaibigang si Mark Herras. May kinalaman ito sa pagpe-perform …

Atty Denise Frias Bar passer

Former aktres na si Denise Frias pasado sa bar exam, game magbalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATUTUPAD na ang wish ng dating aktres na si Denise …

Kris Bernal Aljur Abrenica

Kris takang-taka sa pag-iwas, pag-deadma sa kanya ni Aljur

MA at PAni Rommel Placente NAGTATAKA si Kris Bernal kung bakit  dinedeadma at iniiwasan siya ng dating  ka-loveteam …