Saturday , July 27 2024

Joshua, ‘di makalimutan si Julia (pagkahilig sa libro, itinuro ng dating GF)

KAYA pala hindi makalimutan ni Joshua Garcia ang ex-girlfriend niyang si Julia Barreto ay dahil pawang magagandang bagay ang naituro sa kanya tulad ng pagkakahilig nito sa libro.

 

Sa nakaraang virtual mediacon ng Kapamilya Online show na Love Unlock, E-numan episode ng dalawa ay nabanggit ng aktor na sa panahon ng lockdown ay wala siyang ginawa kundi magbasa ng iba’t ibang klase ng libro at nae-enjoy niya ito.

 

Pero hindi naitanong kung sino ang nag-engganyo sa kanyang magbasa ng libro at sa panayam ni Joshua sa Cinema News At Home Edition ay nabanggit niya ang pangalan ni Julia na ang payo sa kanya ay magbasa siya ng libro kapag wala siyang ginagawa o libreng oras.


“Noong kami pa ni Julia dati, nagpupunta kami sa mga store ng libro, namimili ng mga libro. Pero ‘di ko binabasa, bili lang ako ng bili.

 

Yung pagkahilig sa pagbili ng libro, nakuha ko sa nanay ko, iyong hindi pagbabasa ng libro, sa Tatay ko,” say ng binata.

 

Dagdag pa, “Ang dami kong binili before. Kinuha ng mama ko iyong iba. Iyong natira, kaunti na lang.”

 

Aminado rin si Joshua na naging productive siya simula nang magbasa  ng libro at malaki ang naitulong nito sa kanya sa panahon ng quarantine dahil sa Covid-19 pandemic.

 

Kuwento ng aktor, “Tinapos ko iyong about sa ‘Broken,’ poem siya. Natapos ko na rin ‘Secret Life of Introverts.’ Natapos ko rin iyong ‘The Creative Curve.’

 

“Binabasa ko ngayon, mahilig kasi ako sa non-fiction. Before ‘di ko alam difference ng fiction sa non-fiction. Mas interesting sa akin non-fiction. Binabasa ko ‘You’re A Bad Ass.’

 

“Gino-goal ko ngayon sa isang araw para maging productive lang ako, at least maka-40-50 pages ako. Iyon ang goal ko.

 

“Ipiinapaalala ko sa sarili ko, hindi ako nag-aaral. Feeling ko kapag nagbasa-basa ako, nakatutulong sa work ko, mga interview. Sa mga tamang pronunciation and vocabulary. Nakatutulong naman.”

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *