Thursday , June 4 2026

Indie director na nanloko inireklamo ni Dovie San Andres kay Raffy Tulfo  

KAMAKAILAN lang ay nakipag-ugnayan na si Dovie San Andres sa programa ni Mr. Raffy Tulfo na “Raffy Tulfo In Action” para ireklamo ang indie director na si Paolo Buera.

May ibang pangalan na naglustay ng kanyang pera na gagamitin umanong ‘budget’ para sa ipo-produce sanang pelikulang “Filcan Boys.”

Pagbibidahan nila ng kanyang mga anak na sina Elrey Binoe at Duke Alecxander na parehong bata pa that time at noong September 2009 pa ito nangyari.

Sobrang na-trauma si Dovie sa nangyari sa kanila na matapos kombinsihin ni Direk Paolo na magbigay ng pera ay agad pinauwi sila sa Filipinas from Canada para masimulan na raw ang shooting.

Pagdating nila ng bansa wala lahat ang ipinangako ng nasabing director at ginawan pa ng kuwento si Dovie at ang hindi matanggap ng controversial social media personality maging alahas niya ay nadale rin ng inirereklamo niyang director kay Raffy Tulfo.

Matindi ang naging epekto sa buhay ni Dovie sa ginawa sa kanya ng eskamerong indie director na maging sila ng ex-foreigner husband niya ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Labis rin naapektohan ang mga inosenteng anak kaya dapat lang daw na makuha niya ang justice sa kanyang ipinaglalaban.

“Buo na pasya ko na maghingi ako ng tulong kay Sir Raffy Tulfo in Action laban sa nanlokong pekeng direktor sa akin noong taon 2009.

 

“Halos 11 years akong walang katahimikan, dahil grabe ang ginawa niyang panloloko sa akin, nadamay pa ang 2 anak ko at ex-husband ko.

“Gusto kong magkaroon ng ‘hustisya’ ang ginawa sa niya sa amin. Para magkaroon na ako/kami ng peace of mind.” #DovieSanAndres.

Agad namang tumugon ang staff ni Raffy sa reklamo ni Dovie at paiimbestigahan na raw ito ng naturang programa.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …