Monday , May 13 2024

Dream ni Rachelle Ann na magkaroon ng bahay sa London, natupad na

AKTIBO na ulit si Rachelle Ann Go sa kanyang YouTube channel dahil pagkalipas ng apat na buwan na huling post niya ay nitong Agosto 31 lang ulit naulit.

Sabi nga niya, “bilang tamad akong mag-shoot at mag-edit ng videos ngayon lang talaga ako nagka-oras dahil wala na akong ginawa sa bahay kundi kumain, matulogm at magluto, so might shoot and spread the love there, so welcome to my channel. In this channel you will see everything, from my marriage to cooking, cleaning, mga DIY natin, mga interior designing. Ano pa ba, faith and love. Basically, anything under the sun.”

Inilibot ni Rachelle Ann ang YT subscribers niya sa bahay nila ng asawang si Martin Spies sa London na pangarap talaga niyang magka-bahay doon nang biglang dumating si hubby niya.

“Okay, the husband is here. Hi husband! Ito namang si husband darating in the middle of the shooting,” birong sabi ng International star at sabay abot sa kanya ng supot ng donut.

“Ay may pa-donut si husband, thank you for getting this,”sabi sa asawa.

At sa pagpapatuloy ni Mrs. Spies, “I know a lot of you guys have been requesting for a house tour and we are so excited to share with you our little cozy home. But before showing you this place, gusto muna naming balikan ‘yung mga moment na pinagdaanan namin ni Martin noong nag-house viewing pa lang kami.

 “Talagang naghanap kami ng pasok sa budget and something that is cute and cozy.

“Gusto namin kapag may bumisita sa amin dito, we want them to feel relaxed and chill.

“Parang retreat house. We want to show you guys some of the properties that we fell in love with.

“It probably took us six months to get the keys pero worth it. Ang sarap ng feeling na nagkatotoo ‘yung dream namin to have a home here in London. You know, anything is possible guys if you just have faith.”

Ipinakita ni Rachelle Ann ang limang bahay na pinuntahan nila ni Martin para pagpilian at nagustuhan nila ang ikatlong bahay kaso tatlong palapag at mahihirapan ang paakya’t panaog, masakit sa tuhod aniya.

Ang panghuli naman ay townhouse na gustong-gusto nilang mag-asawa dahil perfect lahat pati ang pagkakagawa na sabi nga ng Cornerstone artist ay, “feeling ko interior designer may-ari nito kasi perfect lahat, pati mga decoration vintage.”

Pero hindi pa rin iyon ang nabili nila dahil kailangang sumakay ng bus papunta sa train station na mahirap lalo na kapag inabot sila ng hatinggabi.

Kaya nagpalipas muna sila ng ilang buwan para muling maghanap ng bahay at finally nakita na nila ang kanilang dream house.

Sabi ni Rachelle Anne, “I think this is the one kasi parang dating din ‘yan. You keep on dating people and sometimes you have to back off and stop looking around girls, boys, stop looking around!  Wait for the right one to come (sabay tawa).

“And then I saw this house in the market (ads) and then I viewed this alone because Martin was at work and pagbukas ko ng pinto, naku good vibes, ito na ‘yun parang it’s very cozy and ‘yun ang gusto namin farm house and of course the garden looks amazing as well malaking space to host our friends and family at kapag nagkaroon na rin kami ng kids in the future, maraming space para magtakbuhan sila riyan.

“That was on a Friday and Sunday dinala ko si Martin dito and then he loves it. Nagustuhan niya talaga ‘yung garden actually that’s his priority, since he’s a south African, gusto niya ‘yung mag-grill ng mag- grill and ‘yan may malaki na siyang space to barbeque all the time.

“And then the next day we give the proper down (payment), matagal din ‘yung process bago nabigay ‘yung keys.  It took us 6 months to get the keys pero worth it, ang sarap ng feeling na nagkatotoo ‘yung dream namin to have a home here in London.  So anything is posible guys you just have faith.”

At sa susunod na vlog niya ay ililibot na niya ang kanyang subscribers sa nabili nilang bahay kaya abangan.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Miguel Tanfelix Ysabel Ortega Running Man

Miguel sobrang na-miss si Ysabel nang mag-Korea

RATED Rni Rommel Gonzales SA loob pala ng 43 days na nasa South Korea si Miguel …

Kathryn Bernardo Alden Richards KathDen Mahal Kita

KathDen nagpakilig sa ‘Mahal Kita’ twinning shirt

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAANDAR na naman ng bagong kilig sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa twinning shirt na …

Blind item gay male man

Male starlet pinag-aagawan ng dalawang director

ni Ed de Leon AY naku si Direk may iba na naman palang ilusyon ngayon. Eh matindi …

Kathryn Bernardo Alden Richards

Alden ayaw nang kalkalin relasyon kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NGAYON tuwiran nang sinasabi ni Alden Richards na kung ano man ang namamagitan …

Liza Soberano

Liza Soberano ‘nagpasilip’ ng katawan

HATAWANni Ed de Leon MARAMI ang nagulat nang maglabas sa kanyang social media account ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *