Thursday , June 4 2026

Duterte todo-tiwala pa rin kay Sec. Duque (‘Godfather’ man ng PhilHealth mafia)

TINAGURIAN man si Health Secretary Francisco Duque III bilang ‘Godfather’ ng mafia sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng whistleblower sa pagdinig sa Senado, may tiwala pa rin sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng mga panawagan na sibakin ang Health Secretary at pagkabulgar ng umano’y multi-bilyong anomalya sa PhilHealth na bahagi ng liderato si Duque sa nakalipas na dalawang dekada.

“He does because if he has ceased to have the President’s trust and confidence, then Secretary Duque would no longer be in office because all Cabinet members serve at the pleasure of the President,” ani Roque nang tanungin sa CNN kung may tiwala pa si Pangulong Duterte kay Duque.

Patuloy aniya ang imbestigasyon ng Senado at binuong task force ng Department of Justice (DOJ) sa anomalya sa PhilHealth.

“In any case, the ongoing investigation in the Senate is about PhilHealth and the President himself has created a task force to address the many issues,” pahayag ni Roque.

Bahala na aniya si Duque kung magsasagawa ng soul searching.

Sa Senate hearing, kamakalawa ay isiniwalat ni dating PhilHealth anti-fraud officer Thorrsson Montes Keith na si Duque ang godfather ng mafia sa PhilHealth  bilang Interim Reimbursement Mechanism chairman, at may institutional knowledge siya pamamalakad sa ahensiya.

Si Duque rin aniya ang nag-aproba sa appointment ng executive officials na itinurong mga miyembro ng mafia. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …