Wednesday , February 21 2024
Phoebe walker
Phoebe walker

Chili Garlic ni Phoebe Walker, mabenta

DAHIL hindi pa rin normal ang takbo ng showbiz dahil sa Covid-19, pansamantalang nahinto ang mga proyektong ginagawa ni Phoebe Walker.

‘Di nga maiwasang malungkot ng Viva artist dahil pansamantalang nausog ang shooting at taping ng kanyang mga proyekto.

“Nakakalungkot kasi ‘yung film na ginagawa ko at international series ay parehong nausog ang shooting at taping.

 

“’Yung pelikula namin ‘di makapag-shooting sa Baguio dahil bawal, tapos ‘yung series sa November na itutuloy.”

 

At dahil sa pandemic, na-realize ni Phoebe na hindi dapat umasa lang 100% sa pag-aartista, kailangan ding mag-isip ng ibang pagkakakitaan katulad ng pagnenegosyo.

“Need ng extra pagkakakitaan ngayong pandemic kasi na-realize ko na ‘di pwedeng sumalalay 100% sa acting for times na walang project, kahit hindi ngayong pandemya.

“Gusto ko mag-food business kasi ‘di mawawala ang demand sa food ng mga tao.”

At ang pagkahilig nito sa Chili Garlic ang naisip niyang inegosyo.

 

“Mahilig ako sa chili garlic kaya nag-experiment ako para sa bahay, pwede pangbenta, so in 1 week nag-start ako magbenta po at okey naman ang result.”

Bukod sa pagnenegosyo, susubukan din nitong mag-vlog.

 

“Bukod nga sa small business ko baka mag-venture rin ako into vlogging na. Pinaplano ko na po ang magiging content if ever,” pagtatapos ni Phoebe sa aming panayam.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Ferdie Estrella Abot Kamay Na Pangarap

Mayor ng Baliwag umalma sa serye ni Jillian, GMA Execs humingi ng paumanhin  

NAG-COURTESY visit sina GMA Assistant Vice President for Drama Ali Nokom Dedicatoria at Abot Kamay Na Pangarap Executive Producer Joy …

Kiko Ipapo Beauty Gonzales

Kiko Ipapo hindi issue kung matanda o bata ang magiging GF 

MATABILni John Fontanilla HINDI issue sa baguhang aktor na si Kiko Ipapo kung mas bata o may …

Tikoy Aguiluz

Premyadong direktor na si Tikoy Aguiluz pumanaw na 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAMAYAPA na ang veteran film director na si Tikoy Aguiluz kahapon, February 19 sa …

Andrea Brillantes

Andrea Brillantes itetengga muna ng ABS-CBN?

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HOW true na hindi muna bibigyan ng project si Andrea Brillantes after Senior …

Beauty Gonzalez

Beauty G pumirma ng kontrata sa GMA — Bakit pa ba ako aarte, nagpapagawa ako ng bahay at ako ay alipin sa salapi

RATED Rni Rommel Gonzales HALOS hindi pa nagpapahinga si Beauty Gonzalez mula nang lumipat siya sa GMA noong 2021. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *