Sunday , February 25 2024

Ayuda para sa mga OPM member, hiling ni Gerald

MAY tanong ang Thuy ng Miss Saigon na si Gerald Santos. 

Kapirot na nainggit sa kanyang manager na si Rommel Ramilo. Dahil ang samahang kinabibilangan nito eh, nakapag-aabot ng ayuda para sa kanilang mga miyembro.

Idinirekta ni Gerald ang tanong sa pamunuan ng OPM.

“Hindi po sa nagmamarunong o nagmamagaling ako. Ito’y opinyon ko lamang at suhestiyon sa aking grupong kinabibilangan, ang OPM (Organisasyon ng mga Pilipinong Mang aawit). 

“Sa nangyari pong pandemya na ito, sana po ay may naging programa ang OPM para sa members nito na mga displaced freelance performing artists (kung mayroon po naging programa o nakatanggap naman po ang ilang miyembro ng tulong o ayuda, paki supalpal na lamang po ako kung hindi man ako na-update o hindi lamang ito nakarating sa aking kamalayan).

“Sana po ay magsilbing aral sa organisasyon ang nangyaring pandemya. Kawawa po kasi ang mga Freelance Artist wala po talagang trabaho ngayon. 

“Sino na lamang ang maaasahan o mahihingan nila ng tulong? Hindi po kaya ang maaaring gawin ay may monthly contributions ang mga member nito( hindi ko po alam if this is possible at legal sa ating batas) para may rolling money ang organisasyon or kung may mga naging programa sila noon at may mga kinita ito ay may naitabi na funds ang organisasyon para ‘pag dumating muli ang ganitong klaseng pandemya o kalamidad man iyan, may maaasahan po ang mga freelance performing artist na ayuda mula sa mismong organisasyon na nag- aaruga rito. 

“Kaya ko po ito naisulat ay dahil sa ang manager ko na si Kuya Rommel Ramilo ay miyembro ng FILSCAP, at unang buwan pa lamang ng pandemya ay ipinarating n’ya na sa akin ang magandang balita na may Ayuda siyang natanggap mula sa FILSCAP. 

“Cash aid kumbaga dahil sa Covid-19. At nito lamang nakaraang linggo, natanggap niya ang Metrobank Card na galing mismo sa FILSCAP na siyang magiging paraan para mapadali ang pagbibigay ng royalties, tulong o ayuda mula sakanila. Napakahusay po ng FILSCAP. 

“Hindi po kaya maganda na mayroon ding ganito ang OPM para sa mga member nito? Again, ito po ay opinyon ko lamang, para ma-improve po ang organisasyong kinabibilangan ko. 

“Kung mali ang lahat ng sinabi ko at may mga programa naman at ginagawa ang organisasyon, tatanggapin ko po ‘yan at well and good. Pero sana mayroon ding monthly newsletters, or updates ang lahat ng miyembro nito para alam nila kung ano na ba ang nangyayari. ‘Yun lamang po. Maraming salamat!”

Manawagan tayo sa pamunuan ng OPM!

Si Kuya Cocoy naman kasi, eh.

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Anthony Davao

Pamangkin ni Ricky na si Anthony Davao may K magpa-sexy

RATED Rni Rommel Gonzales WALA pa sa showbiz ay nakakasama na namin ang Vivamax actor na si Anthony …

Beauty Gonzales Kelvin Miranda

Beauty Gonzales wala ng balak mag-anak pa—Gusto ko rin magpa-bebe

WALA na raw balak mabuntis at magka-anak pang muli ni Beauty Gonzales. Masaya na ito sa nag-iisa …

McCoy de Leon Elisse Joson Felize

McCoy sobrang nasorpresa sa birthday party na inihanda ni Elisse 

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT ang guwapo at mahusay na aktor na si McCoy de Leon sa surprised …

Rhea Tan Beautéderm

Rhea Tan ibinahagi tips sa matagumpay na negosyo

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginawang Chinese New Year at 1st Anniversary ng kanyang seven …

Martin del Rosario Liezel Lopez

Martin del Rosario non-showbiz ang mas feel maging GF

RATED Rni Rommel Gonzales LOVELESS pa rin si Martin del Rosario. “Single pa rin, pero nagdi-date …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *