Friday , January 28 2022

Parenting skills ni Mikael, sinubukan sa nakababatang kapatid

NASUBUKAN ang parenting skills ng celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young sa kanilang recent YouTube vlog nang bumisita ang nakababatang kapatid ni Mikael na si Alvaro sa kanilang bahay.

 

January this year ay ginulat ng dalawa ang netizens nang ibahagi nila ang kanilang intimate wedding ceremony sa Subic. Excited naman ang kanilang followers na makita ang future baby nina Megan at Mikael at kung paano ang dalawa bilang magulang.

 

Sa latest vlog ni Mikael, naatasan ito ng mommy niya na pansamantalang bantayan nila ni Megan ang kapatid. Game na game naman na tinuruan ng dalawa si Alvaro ng ilang Tagalog words habang nagme-merienda pati na rin ang tamang paghuhugas ng pinggan. Si Alvaro ang pinakabata sa walong magkakapatid at kahit malayo ang agwat ng edad mula sa kanyang big brother na si Mikael, kapansin-pansin pa rin ang closeness ng dalawa.

 

Habang hindi pa rin napapanood si Mikael sa pinagbibidahang GMA series na Love of my Life, pinagkakaabalahan nila ni Megan ang pagawa ng YouTube vlogs, podcasts, at streaming ng online games.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Paolo Ballesteros Vice Ganda

Paolo at Vice Ganda walang rivalry

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PINATUNAYAN nina Paolo Ballesteros at Vice Ganda na mabuti silang magkaibigan at wala silang rivalry …

Kris Aquino

Kris binuweltahan mga nagpapakalat ng fake news — Sorry buhay pa… it’s not yet goodbye

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga TINAWAG ni Kris Aquino na fake news ang mga kumalat na tsismis …

Korina Sanchez Ping Lacson

Korina aliw sa pa-farm ni Sen Ping

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI maitago ni Korina Sanchez-Roxas ang aliw nang magtungo sa farm ng …

Nadine Lustre Tattoo

Nadine muling nagpa-tattoo sa braso

MATABILni John Fontanilla IPINAKITA ni Nadine Lustre ang bagong dragon tattoo sa kanyang braso na umabot hangang …

Sean de Guzman

Sean miss na ang pagsasayaw
BIBIDA NAMAN SA ISANG SERIES

NAKAUSAP ko si Sean de Guzman lately in a serious note. Totoo palang miss na miss na rin …

Leave a Reply