Monday , January 24 2022

Sylvia, ininda ang pagkawala ng PUM ng Pamilya Ko

MADAMDAMIN ang Facebook post kamakailan ni Sylvia Sanchez sa pagyao dahil sa atake sa puso ng  Production Manager ng Pamilya Ko (ng RSB Scripted Format), si Mavic Oducayen.

Post ng Beautederm ambassador, “Huling pagsasama at picture natin to @mavicoducayen noong july 10 araw ng botohan sa kongreso noong araw na igagrant o hindi ang franchise ng AbsCbn. Nagulat ka noong makita mo ako at ang sabi mo, Ibiang bat andito ka? DELIKADO sayo!Kakaopera mo lang at kakalabas mo lang ngayon sa hospital.

“Tatlong beses mo ako pinipilit umuwi, sabi ko sayo ok lang Ms. Mavic, kaya ko ang sakit at panghihina ko na galing pa ako  sa operasyon pwedeng mawala at makalimutan balang araw, pero ang sakit at konsensya na di ko nasuportahan at nasamahan  ang pangalawang tahanan ko na naglapag ng pagkain sa hapag kainan ng pamilya ko ng 27yrs at di ko nasamahan ang mga Kapamilya ko sa araw ng desisyon ng kongreso ay di ko kakayaning dalhin habangbuhay.

“Ayaw kong pagsisihan yan!! Noong marinig mo yong rason ko, sabi mo lang ok Ibiang, pero uwi ka kagad ha, d mo ako tinantanan sa pagpapauwi, kulit kulit mo hahaha kulang nalang kargahin mo ako papuntang kotse ko, at sabi nating dalawa miss na miss na natin ang isat isa, sanay akong bago maglockdown magkasama tayo MWF sa taping ng Pamilyako.

“Lagi tayong magkausap, nagtatawanan nagkukulitan usap about mga anak natin, bilang ikaw ang Production Manager ng Pamilyako. At sabi ko pa sayo Ms. Mavic bawal yakap at nagkatawanan nalang tayo hahaha Kung alam ko lang na yon na pala ang huling araw na makita kita, e niyakap na kita ng pagkahigpit higpit🖤

 

“After ilang araw isa ka na sa nasabihan na isa ka sa mareretrench. Ikinalungkot, ikinagalit, ikinasama ng loob mo ang ngyari sa ABSCBN at sa pagkawala bigla ng trabaho mo na iningatan  at inalagaan mo sa mahigit dalawang dekada at isa ito sa naging dahilan kaya ka nawala sa piling namin.

“Ikaw ang sabi ng sabi uwi ka Biang kasi  DELIKADO ka, yon pala ikaw ang DELIKADO Ms. Mavic🖤

“Ang sakit sakit ang lungkot lungkot🖤

“Hindi sana ngyari to kung pinairal lang sana  ang kunsiderasyon para sa mga empleyadong katulad mo sa gitna ng pandemya🖤

Sana🖤🖤

“No more pain Ms.Mavic pahinga ka na at pakidasal nyo na rin kami  ni Tita Angge lahat kaming Kapamilya nyo dyan sa langit ang Pilipinas at ang buong Mundo.

“I love you Mavic Holgado-Oducayen   pakiyakap at halik  mo na rin pala  ako kay Tita Angge ha Rest in peace 

#goodsoul.

Masyadong nalungkot si Sylvia dahil isa nga si Mavic sa naging close niya sa set ng kanilang teleserye at dahil na rin sa pagmamahal at concern na ipinadama nito sa kanya noong nabubuhay pa ito.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Kevin Santos wife

Kevin ikinasal na sa non-showbiz GF

REALITY BITESni Dominic Rea KILALA niyo ba si Kevin Santos o Kayvin Acupicup Santos sa totoong buhay na produkto …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Pagli-link kina Rayver at Julie Anne sablay

REALITY BITESni Dominic Rea MUKHANG hindi umobra ang pagli-link kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. After …

Bryan Termulo

Bryan Termulo tour guide sa Amerika Pagkanta hinahanap-hanap

MATABILni John Fontanilla MISS na ni Bryan Termulo ang local showbiz ngayong nasa Amerika siya at doon …

Aileen Papin DoLE TUPAD

Aileen kinokondina maruming pamomolitika sa TUPAD

HARD TALKni Pilar Mateo ISA pang Papin, na tumatakbo naman sa ikatlong Distrito ng CamSur …

Heart Evangelista Nadine Lustre

Heart at Nadine kakampinks

I-FLEXni Jun Nardo INILABAS na nina Heart Evangelista at Nadine Lustre ang totoong kulay nila sa darating na eleksiyon …

Leave a Reply