Thursday , June 4 2026

Gari Escobar, wish maging Total Performer tulad ni Rico J.

DREAM ng recording artist/composer na si Gari Escobar na maging Total Entertainer tulad ng idol niyang si Rico J. Puno. Ito ang nabanggit ni Gari sa amin, pati na ang ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon, bilang artist at businessman.

Pahayag ni Gari, “Gusto kong maging Total Entertainer na tulad ni Rico J. Puno at international artist na tulad ni Bruno Mars. Mahilig kasi akong mag-entertain at sumayaw at gusto kong subukan ang iba’t ibang genre ng music.

“Bakit gusto niyang maging tulad ni Rico J? “Gustong-gusto ko si Rico J. mula pa noong bata pa ako. Gusto ko sa kanya ang total package niya po. Actually, kanta niya po ang una kong ipinanlaban sa singing contest noong Grade 6 po ako.”

Pahabol pa niya, “Every morning at 8:30 am, I do FB Lives, talking about positivity, opportunities and inner strength para makatulong sa mga tao in shifting their worries and fears to positive thoughts (FB: Gari Escobar Gabrinao) na soon ay ipalalabas sa Channel 31. Every Sunday at 8PM naman po ay kumakanta ako nang Live sa aking FB page na Gari Escobar para aliwin ang aking fans.

“Right now po ay two songs ko ang tinutugtog sa 102.7 Star FM, ‘yung Baguio at Tama Na. By the second week of July ay ire-release na digitally ang aking 3rd single na ang title ay Dito sa Piling Ko. Nagpapasalamat po ako sa aking supporters na sinusuportahan po ako sa lahat ng ginagawa ko.

Nabanggit din ni Gari ang kanyang business ngayon. Aniya, “Maganda rin po ang takbo ng online business ko, iyong brand na 4life po. Sa online business ko po, we market products for the immune system at mga pampabata po.

“Ang 4Life po ay member ng DSAP (Direct Selling Assiciation of the Philippines) kung saan naparangalan po ako as Entrepreneur of the Year at Hall of Famer na rin noong 2017 po. Dahil po sa 4Life ay nabago ang buhay ko at natupad ang pangarap ko na maging recording artist. Kaya lubos po ang pasalamat ko sa Diyos dahil sa 4Life,” masayang saad pa ni Gari.

Si Gari ang nasa likod ng self-titled album mula Ivory Music na mayroong 12 cuts. Ito’y kinabibilangan ng mga awiting BaguioDito Sa Piling KoTama NaHabang Nandito Pa AkoFrom Friends to LoversHanap Ko Pa RinAyoko na SayoAyaw Kong Makita KaHindi Ka Na Muling Mag-iisaIsang Halik PaMasisisi Mo Ba, at Lumaban Ka na karamihan ay siya mismo ang sumulat.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …