Friday , May 3 2024

Sir Wil Online Challenge, nagbibigay saya, pag-asa, at tulong pinansiyal

SA gitna ng pandemyang dulot ng Covid-19 na naging dahilan ng kahirapan, kalungkutan, at kawalan ng hanapbuhay ng bawat Filipinong nasa ilalim ng General Community Quarantine (March 15 hanggang sa kasalukuyan), isang idea ang nabuo ng matagumpay na negosyante at Mr Gay World Phils. 2009Wilbert Tolentino kasama ang kanyang team para magbigay pag asa, saya, at tulong pinansiyal sa ating mga kababayan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, ito ay sa pamamagitan ng Sir Wil Online Challenge.

Ang Sir Wil Online Challenge ay maituturing na grandest, well produced, inaabangan, at may isinusulong na adbokasiyang Stay Home, Save Lives, We Will Beat COVID 19!. Legit din ito na nagbibigay ng malalaking papremyo sa lahat ng online contest sa bansa na nakatutulong para magbigay pag-asa sa mga Filipino dulot ng Covid-19 pandemic.

Ang Board of Directors ng Sir Wil Online Challenge ay binubuo nina  Wilbert Tolentino  (Chairman and President), Ryan  Sotto  (Vice President for Guidelines and Editor), Frankendal Fabroa (Monitoring Officer), Gilbert Aplal (Photographer, videographer and visual artist), Chad Jonas (Finance Officer), Rodgil Flores (Vice-Chairman, Writer and Director), Kristine Caballero Aplal (In-House Host),  JayJay PalaoChristopher Cornel, at Enan Cruz (Coordinating Officers Team Leader).

Ilan sa matagumpay na Sir Wil Online Challenge ay ang The Queen of Lockdown Transformation2020- Pagirl /PahardChallenge (for gay community) na ang Grand Winner ay si Popoy Son Roxas na nanalo ng P10,000 cash at isang sakong bigas. Itinanghal na 1st runner-up si Giovanni  Lazaro na nakapag-uwi ng P3,0000 cash at 1 sack of rice; 2nd runner up si AJ Castro Jose na nabigyan ng P2,000 cash plus 1 sack of rice; 3rd runner-up si Karl Gonzales na nakapag-uwi ng P1,000 cash plus 1 sack of rice; at ang 4th runner-up ay si Hiro Makinano na mayroong P500 cash plus 1 sack of rice.

Nariyan din ang Sir Wil Extreme Cutie Quest Challenge (for families), na nakapag-uwi ng P20,000 cash ang Grandwinner na si Mary Letim Ponce; P10,000 cash naman ang 1st runner-up na si Red Red Vingrey; P8,000 cash si Kristine Caballero Aplal na nagwaging 2nd runner-up; P5,000 cash si Rosemarie Valencia na 3rd-up; at P3,000 cash ang 4th runner-up na si Ianny A Canillo.

Mayroon ding para sa mga social influencer, ang Online Star Influencer Season 1 na tumataginting na P50,000 cash ang nakuha ng itinanghal na Grand Winner, at ito ay si Sachzna Laparan. Si Jay Costura Dreams naman ang 1st runner-up na nakatanggap ng P20,000; si Princess Khim Santillan naman ang 2nd runner-up na nakakuha ng P10,000;  at ang 3rd at 4th runner-up ay parehong nakatanggap ng tig-P5,000 ay sina Justine Rhay Simbulan  at JS Asuncion .

Sir Wil Drag Queen Challenge-The Ultimate Impersonation Contest naman ang para sa mga impersonator at entertainer na Big Winner si Lady Ivana na napremyuhan ng P50,000; sinundan nina Khandie Segovia (1st runner-up, P20,000); Vina Deluxe (2nd runner-up, P10,000); Tiffany (3rd runner-up, P5,000); at DblackButterfly Aikee, (4th runner-up, P3,000).

Tumataginting na P100,000 naman ang napagwagian ng Big Winner sa  The Philippines’ Most Beautiful Beki Online Pageant – QUEEN OF bECQi 2020 (na para sa mga gay at transgender). Ito ay si Marianne Crisologo. Naging espesyal na judge rito ang sikat na vlogger na si Normal Tinio. Napili naman bilang 1st runner-up si Matmat Centino na nagwagi ng P50,000; 2nd runner-up si Lars Pacheco na P20,000 ang natanggap na premyo; 3rd runner-up si Patrick Isorena na nabigyan ng P10,000; at si Britney Madali ang 4th runner-up na mayroong P5,000 premyo.

Open to all naman ang WiL or No WiL Online Game Show na umabot sa P234,900 ang total cash prize na ipinamahagi kasama ang 45 relief packs.

Hindi pa rito natapos ang pamamahagi ng tulong ng Sir Wil Online Challenge dahil marami pang naiisip na pa-contest ang bumubuo nito.

Pinakatinutukan at inabangan naman sa Sir Wil Online Challenge ang The King of ECQ Online Search – GINOONG QUARANTINO 2020 (for entertainment, ramp, TVC male models/ male pageant aspirants). Naging espesyal na panauhing judge rito ang Miss Earth 2008 na si Karla Henry Ammann). Waging- wagi rito si Allen Ong Molina na nakapag-uwi ng P200,000 cash. Si Wize Estabillo naman ang 1st runner-up na nakapag-uwi ng P50,000;  2nd runner-up si Robby Cubacuc na P20,000 ang naiuwi; si Czack Buenafe ang 3rd runner-up na mayroong 10,000 papremyo; at si Jiro Garcia ang 4th runner-up na nabigyan ng P5,000.

Si Shaina Denniz naman ang Grand Winner sa Online Star Influencer Season 2 (for social media influencers) at nag-uwi siya ng P200,000. Sinundan si Shaina ni Buknoy Glamur, 1st runner-up na nakapag-uwi ng P50,000; 2nd runner-up si Chester Lapa na mayroong P30,000; 3rd runner-up si Dwine Enriquez na nabigyan ng P20,000; at si Kurt Lawrence Bautista ang 4th runner-up na mayroong P10,000 cash prize.

Ongoing naman ang Sir Wil Media Challenge (for entertainment, lifestyle and pageant media)  na ang magwawagi ay magkakamit ng P1000,000; P50,000 ang 1st runner-up; P30,000 ang 2nd runner-up; P20,000 ang 3rd runner-up; at P10,000 ang 4th runner-up.

Kaya naman asahan pa ang more exciting online competitions na mas pinabongga, pinalaki, at may pinakamalaking pa-premyo mula sa

Sir Wil Online Challenge.

Pero bukod sa mga Online Challenge ni Tolentino kasama ng kanyang buong team, bukas palad din itong tumutulong sa ating mga kababayan na nalugmok sa hirap sanhi ng Covid-19 pandemic. Patuloy din silang tumutulong hanggang sa muling makabangon ang ating bansa sa nasabing pandemya.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *